Wala tayong kamalay-malay na nakapapasok na pala sa loob ng ating mga katawan ang sobrang liliit na microplastics sa pamamagitan ng mga pagkain at inuming buong akala natin ay nakatutulong sa ating katawan.
Kamakailan, natuklasan ng mga siyentipiko ang simple at epektibong paraan upang maalis ang microplastic sa tubig.
Sa isang pag-aaral na metikulosong isinagawa sa soft water at hard tap water, nilagyan nila ito ng nanoplastics and microplastics (NMPs) bago pinakuluan. Pagkatapos, ay sinala ang mga precipitates.
Sa ilang kaso, abot sa 90 percent ng NMPs bago pakuluan ang tubig ay maalis na sa pamamagitan ng pagsala (filtering) ngunit mas nawala pa ang mga precipitates matapos pakuluan.
Sa ibang kaso naman, 90 percent ng NMPsay natanggap matapos ang boiling and filtering process, gamit ang mga epektibong filtering process, pero depende pa rin sa klase ng tubig.
Ang magandang balita dito ay pwede itong gawin ng kahit sino, kahit sa sariling kusina lamang.
Sa simpleng pagpapakulo ng tubig, made-decontaminate ang NMPs sa karaniwang household tap water at may potensyal pang makaiwas ng walang kahirap-hirap sa human intake ng NMPs sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig.
Napakaraming NMPs ang naalis sa mga samples ng hard tap water, na natural lamang na nakabubuo ng limescale (calcium carbonate) kapag iniinit.
Kadalasang nakikita sa mga kaldero at kaserola sa kusina ang maputi at parang chalk na substance na nabubuo sa mga plastic surface kapag tumataas ang temperatura at napipilitan ang calcium carbonate na umalis sa tubig.
Doon nahuhuli ang mga plastic fragments kaya ligtas nang inumin ang tubig.
Kahit sa soft water, kung saan kakaunti ang calcium carbonate, nakukuha pa rin ang halos quarter (1/4) ng NMPs sa pinakuluan tubig. Kahit gaano kaliit ay nadidikit sa lime-encrusted plastic ay maaalis sa pamamagitan ng simpleng pagsasala o filtering gamit ang stainless steel na salaang ginagamit sa pagsasala ng kape o tsaa.
Ayon pa sa mga naunang pag-aaral, sinukat nila ang nga mumunting polystyrene, polyethylene, polypropylene, at polyethylene terephthalate sa iniinom na tubig sa mga tubig sa grupo na lagi nating ginagamit sa pagluluto. Para mapatunayang epektibo ang nasabing strategy, naglagay pa ang kgs researchers ng mas maraming nanoplastic particles, na sa pamamagitan ng pagpapakulo ay epektibong naalis.
Napatunayang mas ligtas uminom ng pinakuluang tubig upang makaiwas sa exposure sa NMPs. Gayunman, mas gusto ng karamihan ang malamig na tubig mula sa refrigerator. Mangilan-ngilan lamang ang gumagawa nito.
Ayon sa mga mananaliksik magandang uminom ng mainit na tubig kesa malamig, ngunit ang suggestion po namin, pakuluan ang tubig, palamigin, at saka inumin. Win-win solution po ito para mapagbigyan ang karamihan. Kasi, kung hindi tayo gagawa ng paraan, patuloy na lalaganap ang NMPs at malalason na ng plastic ang mundo.
Kahit hindi pa natin gaanong alam kung gaano kadelikado ang plastic na pumapasok sa ating katawan, malinaw namang hindi ito makabubuti sa ating kalusugan.
May kinalaman ang plastic sa mga pagbabago sa gut microbiome at sa antibiotic resistance ng katawan.
Of course, kailangan pa ng ilang research tungkol dito. Kapag kalusugan ang usapan, dapat, 100% sure. Talaga nga bang maaalis ng pagpapakulo sa tubig ang mga artificial materials sa ating katawan — at siguro, malabanan din ang iba pang nakababahalang epekto ng microplastics na nakikita ng mga siyentipiko.
Sakaling napakarami nang NMPs sa katawan ng tao, at nakaestablisa na ng pundasyon para sa mas masusing imbestigasyon, agad nila itong ipaalam sa atin.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE