NAGDAOS ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng tatlong araw na mid-year assessment at management review noong Hulyo 7 hanggang 9, 2021.
Sinabi ni DAR Secretary Brother John Castriciones na ang layunin ng aktibidad ay upang tingnan kung ano na ang nagawa sa unang semestre ng 2021 at gumawa ng mga plano para sa isang mas mahusay na pagganap sa ikalawang semestre.
Ang aktibidad ay isinagawa upang suriin ang mga ginawang proyekto at programa ng DAR-Luzon sa Land Tenure Security Program, Agrarian Justice Program, at Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program sa pamamagitan ng mga naaprubahang target at paggamit ng pondo.
Sa estratehiya sa susunod na anim na buwan, hinamon ni Brother John ang lahat na “maging bukas ang kaisipan dahil dito nagsisimula ang pagbabago.” Hinimok din niya ang mga kalahok na “mag-isip sa labas ng kahon” na ayon sa kanya ay karaniwang nagreresulta sa mga makabagong ideya.
Nakatuon din ang aktibidad sa pagtiyak na ang mga isinusulong sa pag-unlad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kasama sa mga programa at serbisyo ng DAR.
“Ang layunin ng pagsusuri sa pagtatapos ng taon ay tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan sa mga naipatupad na programa at proyekto ng DAR,” ani Bro. John.
Aniya, ito ay taunang aktibidad upang matiyak ang pagiging bukas ng DAR at maseguro ang pananagutan ng programang repormang agraryo sa publiko.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Brother John ang mga opisyal at kawani sa kanilang obligasyong maglingkod nang may integridad at gampanan ang kanilang mga tungkulin ng may lubos na kahusayan, katapatan, at kakayahan.
“Ibuhos ninyo ang lahat ng inyong lakas sa inyong mga trabaho at ituon ang atensiyon sa landas na inyong tinatahak. Gumalaw kayo kasama ang inyong mga kasamahan sa isang malinaw na direksyon at ang direksyong iyon ang siyang papatnubay sa inyo at sa inyong mga lalawigan upang makamit ang inyong mga layunin,” aniya.
“Makakaasa kayo sa aking buong suporta hangga’t nilalabanan ninyo ang anumang tukso na makakapinsala sa inyong pagkatao at reputasyon bilang mga pampublikong tagapaglingkod ng DAR,” sabi ni Brother John.
Ang assessment at management review ng mga tanggapan ng DAR offices sa Visayas at Mindanao para sa taong 2021 ay isasagawa sa susunod na dalawang linggo. BENEDICT ABAYGAR, JR.
837737 758404Hi, Neat post. Theres a issue along with your web site in web explorer, could test this IE nonetheless could be the marketplace leader and a very good portion of people will omit your superb writing because of this problem. 784825
884398 640433Thanks for the post, was an interesting read. Curious as to how you came about that solution 504445