SIMULA sa Mayo 15 ay matatanggap na ng may 1.5 milyong kawani ng pamahalaan ang kanilang mid-year bonus para sa taong 2018 na katumbas ng isang buwan na basic salary.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, naglaan ng P36.2-bilyon para sa mid-year bonus ng lahat ng kawani ng gobyerno.
Base sa Budget Circular No. 2017-2, kasama sa mabibigyan ng bonus ay ang mga empleyado na nakapagtrabaho na sa pamahalaan ng apat na buwan pataas (mula Hulyo 1, 2017 hanggang Mayo 15, 2018); mga empleyadong nasa government service hanggang sa Mayo 15, 2018 at mga empleyado na nakakuha ng satisfactory performance rating sa kanilang appraisal period.
Ang naturang pondo para sa pagkakaloob ng 2018 Mid-Year Bonus ay chargeable sa agency-specific allocation sa ilalim ng Fiscal Year 2018 General Appropriations Act na ini-release sa mga ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng Allotment Order policy alinsunod sa National Budget Circular No. 567 na may petsang Enero 3, 2017. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.