MIDDLE EAST DAIRY FIRM HANDANG MAG-INVEST SA PINAS

Ramon Lopez

ISANG dairy company mula sa United Arab Emirates (UAE) ang nakahandang mag-invest sa Pilipinas, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Sa isang briefing sa Malakanyang, sinabi ni Lopez na ang investment ay makatutulong para mabawasan ang pagdepende ng bansa sa imported milk raw materials.

“The investor is really decided to operate here since they have been successful in their operation in a hot country, a humid country like Qatar and the UAE,” ani Lopez.

Hindi pa niya binanggit ang pangalan ng kompanya at ang halaga ng investment ng  dairy firm.

Ayon kay Lopez, ang investment ng dairy firm sa Pilipinas ay maaaring maging import substitution dahil gagawin nila ang mga produkto sa bansa.

Ang Pilipinas ay umaangkat ng 97 hanggang 98 percent ng pangangailangan nito sa gatas.

“Once they manufacture here, we will have a vibrant milk industry,” ani Lopezn

Si Lopez ay bumisita sa  UAE noong nakaraang linggo para sa  Philippines’ National Day sa Expo 2022 sa Dubai

Nakipagpulong din siya sa matataaa na opisyal at business sector sa UAE.