INIHAYAG ng Philippine Franchise Association (PFA) Director Sam Christopher Lim sa isang panayam noong Franchise Asia Philippines (FAPHL) 2018 International Conference na ginanap sa Pasay City kamakailan na tinitingnan ng mga kompanya sa Middle East ang pag-dadala ng Filipino brands sa kanilang lugar.
Binanggit niya na bukod sa malaking overseas Filipino market doon, nagkaroon ng malaking interes ang pagkakaroon ng Philippine brands sa rami ng consumers sa Middle East.
“There’s a lot of Middle East companies that want to bring Filipino brands,” dagdag ni Lim, na siya ring chairman ng FAPHL 2018.
Binanggit niya na ang food businesses ang pinakamagandang paraan para makapasok sa bagong merkado kasunod ng retail at mga serbisyo. Napansin niya na inililipat ang pagpapalawak ng Filipino franchising brands mula sa United States patungong Middle East, dahil mas mahigpit ang legal framework sa franchising Amerika.
Ayon kay Lim, karamihan sa franchised Filipino brands sa US ay company-owned. “Some prefer the US just because they have family there, but the market is very very big. The problem with the US is the legal framework for franchising is very complicated, highly regulated, and very complex regulation that’s why they enter through their company-owned store. But in the Middle East, they enter through franchise,” sabi niya.
“At least in the the past five years, I’ve seen more brands enter the Middle East,” dagdag niya. Sinabi ni PFA President Richard Sanz na tinitingnan ng industriya na doblehin ang bilang ng Filipino brands na lumalawak sa international market sa susunod na dalawang taon. Sa kasalukuyan, mayroon nang 50 Filipino franchising brands sa ibang bansa.
Ang FAPHL ay ang pinakamalaking franchising conference sa Asia na may 700 franchising brands na sumasali mula sa 40 bansa. Inaasahan ng organizers na aabot hanggang 55,000 delegado at bisita para sa gagawing okasyon ngayong taon. PNA
Comments are closed.