MIDWIVES, PHARMACISTS SASANAYING MAGTUROK NG BAKUNA

bakuna

HINIKAYAT ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pamahalaan na sanayin na para sa COVID-19 vaccination program ang mga midwife, pharmacists at iba pang healthcare professionals.

Kasabay na rin ito ng pag-apela ni Herrera sa Professional Regulation Commission (PRC) at sa mga professional regulatory boards ng health professions na makiisa sa Philippine Medical Association (PMA) at Philippine Nurses Association (PNA) para sa implementasyon COVID-19 vaccination program sa buong bansa.

Ayon kay Herrera, dapat ngayon pa lamang ay sinasanay na ang mga komadrona, pharmacists at iba pang health professionals sa pagsusuri ng mga pasyente, gayundin sa pagtuturok ng bakuna at pagsasagawa ng nararapat na protocols sakaling may adverse reactions para mabilis na makamit ng bansa ang herd immunity sa Covid-19.

Tinukoy pa ni Herrera na bilang primary health care professionals, kasama ang vaccination sa mga tungkulin ng midwives, pharmacists, at iba pang trained, certified, at licensed health care professionals.

Katunayan aniya, kasama ito sa mga  curriculum na inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at standards ng Department of Health (DOH) at PRC boards para sa primary health care service professionals. CONDE BATAC

Comments are closed.