MIESCOR INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT CORPORATION: Katuwang sa pagsulong ng digital infrastructure sa bansa

ANG “NEW NORMAL” na dulot ng pandemyang COVID-19 ay patuloy na nagsisilbing hamon para sa mga ­konsyumer na iakma ang paraan ng ­pamumuhay na nakadepende sa digital connectivity na napakahalagang ­aspeto ng serbisyong hatid sa atin ng mga telco companies. Tuluy-tuloy naman ang mga ito sa pagpapahusay ng kanilang mga produkto at imprastraktura upang ­masigurong maayos at ­maaasahan ang serbisyong natatanggap ng mga subscriber nito.

Bilang isang lisensyadong independent tower company, ang MIESCOR Infrastructure Development Corporation (MIDC) ay naglalayong makapagbigay ng kontribu­syon sa pagsulong ng digital infrastructure sa bansa.

Ang MIDC ay isang joint venture sa pagitan ng MIESCOR, isang subsidiary ng Manila Electric Co. (Meralco), at Stonepeak, isang leading global infrastructure investor. Ina­nunsyo kamakailan ng MIDC na bibilhin nito mula sa Globe ang 2,180 na telco towers at iba pang imprastraktura nito sa ilalim ng isang P26-bilyong sale and leaseback agreement.

Pumirma din ng Master Lease Agreement ang MIDC at Globe kung saan ang Globe ay magiging anchor tenant ng mga nabiling telco towers na may monthly rate na P100,000 kada tore sa loob ng 15 taon.

Ang kasunduang ito ay isang malaking hakbang para sa hangarin ng MIDC na ma­ging isang malaking player sa industriya ng common tower na naghahatid ng serbisyo sa mga pangunahing mobile network operator sa bansa.

Para kay MIDC Chairman Atty. Ray C. Espinosa: “This landmark deal with Globe that marks a critical milestone in MIESCOR’s strategy to enter the digital infrastructure space, which plays a vital role in dri­ving economic growth and social well-being through digital inclusion.”

“This also gives us the momentum to pursue more opportunities that will help us achieve our aspiration to become a trusted telco tower operator in the Philippines and eventually, a market leader in the digital infrastructure business,” dagdag ni Atty. Espinosa, na siya ring umuupo bilang Meralco President at CEO.

Ang MIDC ay suportado ng pagiging beterano ng MIESCOR sa larangan ng engineering, procurement, at construction, at ang malawak na karanasan ng Stonepeak sa pamumuhunan sa mga tower at digital infrastructure sa buong mundo. Nag-sanib pwersa ang dalawang kum­panya noong taong 2021 upang aktibong maghanap ng mga pagkakataong makapaghatid ng serbisyo sa mga telco tower sa rehiyon.

Ang MIESCOR ay lisensyado ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang isang independent tower company sa loob ng limang (5) taon. Simula ng taong 2021, tuluy-tuloy sa paghahanap ng mga passive telco tower opportunity ang MIDC at unti-unting gumawa ng pangalan sa pamamagitan ng pagiging katuwang ng Smart at Globe.

Sa pagtatapos ng taong 2021, nag-pasya ang MIESCOR na pasukin din ang industriya ng digital infrastructure. Ang desisyong ito ang nagbigay daan sa pagbuo ng MIDC. Inilipat ng MIESCOR ang DICT license nito sa MIDC at nakipag-kasundo sa Stonepeak, isang kilalang investment firm na dalubhasa sa mga infrastructure and real assets.

MAS MATIBAY NA PASILIDAD AT PINABUTING CONSUMER EXPERIENCE

Ang kasunduan sa pagitan ng MIDC at Globe ay bunga ng pagpapatupad ng Common Tower Policy ng DICT sa layuning mapagbuti ang information, communication, and technology (ICT) service sa bansa, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ang pangunahing layunin ng common tower policy ay ang pahintulutan ang ilang telcos na maghati-hati sa paggamit ng isang tower upang mapababa ang ginagastos ng mga ito sa operasyon. Sa ganitong pamamaraan, mapapababa rin ang singil kasabay ng pagpapalawak ng kanilang network coverage, na siyang magpapabuti sa serbisyong nakukuha ng mga konsyumer.

Sa pamamagitan din ng nasabing polisiya, inaasahang bababa ang gastusin ng mga kumpanya sa pagpapagawa ng kani-kanilang telecommunication towers dahil sa mga independent tower companies na ang magtatayo at mangangasiwa sa mga nasabing imprastraktura. Magiging madali na para sa mga telco companies ang ituon ang kanilang atensyon sa pagpapabuti at pagpapalawak ng kanilang serbisyo para sa kanilang mga subscriber.

Magiging kapakipakinabang din para sa mga ordinaryong konsyumer ang kasunduan sa pagitan ng MIDC at Globe sa pamamagitan ng mas maayos na network quality, malawak na network coverage, at mas matibay na imprastraktura na hindi madaling maaapektuhan ng pananalanta ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

 

Ang mga kumpanyang katulad ng MIDC na tumutulong sa pagpapabilis at pagpapalawak ng maaasahang serbisyo ng internet sa bansa, ay kaisa ng pamahalaan sa pagsusulong at pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang inisyatibang ito ay naaayon din sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang pagkakaroon ng universal connectivity, at malawakang infrastructure development at innovation sa bansa upang masigurong walang Pilipinong mapagiiwanan.