DUMATING si Andray Blatche na bahagyang mas mabigat sa kanyang fighting weight noong nakaraang linggo, subalit kumpiyansa sina Mighty Sports owner Alex Wongchuking at coach Charles Tiu na matatamo ng naturalized Filipino ang tamang bigat bago umalis ang koponan sa Enero 21 para sa Dubai International Basketball Tournament.
“We know how good a player he is, but he needs to be in excellent form because we will be again facing formidable teams from Lebanon and Middle East,” wika ni Tiu, na iginiya ang koponan sa title sweep ng Jones Cup sa Taiwan noong nakaraang taon.last
Determinadong mahigitan ang kanilang third place-finish noong nakaraang taon, ang Mighty Sports ay araw-araw na nag-eensayo magmula nang dumating si 6-foot-9 Blatche noong Huwebes.
“With a good mix of young and veteran players in the team we are hoping we can at least finish in the top four,” sabi ni Wongchuking, na nagpapasalamat sa suporta ng Creative Pacific ni Bong Cuevas, Go for Gold, Oriental Game, at Gatorade.
Maliban kay 7-foot-2 Kai Sotto, ang lahat ng miyembro ng 16-man team ay dumating sa unang tatlong araw ng pagsasanay ng koponan.
Hindi nakasali si Sotto sa paghahanda ng Mighty dahil sa kanyang naunang commitment, subalit ang dating Ateneo standout ay lilipad patungong ultra-modern capital city ng United Arab Emirates sa Enero 21.
Sa kabila ng pagkawala ni Sotto sa training, hindi nababahala sina Wongchuking at Tiu sa chemistry ng koponan dahil naniniwala silang madaling makapag-aadjust ang 17-year-old star sa sistema ni Tiu.
Si Sotto ay kasalukuyang nasa US, sinisikap na palakasin ang kanyang sarili sa The Skill Factory dahil ilang top NCAA teams ang nagpahayag na ng interes sa kanyang serbisyo.
Si Sotto ay may dalawang araw para pag-aralan at matutunan ang lahat ng plays dahil magsisimula ang 9-day event sa Enero 23.
Ang presensiya nina Renaldo Balkman at McKenzie Moore – imports na may championship experience – at ilang collegiate standous tulad nina Ateneo’s Thirdy Ravena at UP’s Juan Gomez De Liano ay isa sa mga dahilan kung kaya malaki ang tsansa ng Mighty Sports na magtapos sa top four.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Joseph Yeo, Rain or Shine’s Beau Belga, Joaqui Manuel, Gab Banal, Jarell Lim, Dave Ildefonso, Juan Gomez De Liano, Jamie Malonzo, Mikey Williams at Jelan Kendrick.
Comments are closed.