INAASAHANG magiging mabigat ang laban ng Mighty Sports sa muli nitong pagkatawan sa bansa Jones Cup ngayong taon.
Ang koponan ay mapapalaban sa national teams ng iba’t ibang bansa sa July 12-21 cagefest na idinaraos taon-taon sa Taipei.
Kumpirmadong sasabak ang national teams ng Iran, Japan, South Korea, Jordan, at Tunisia sa meet na ginagawa nilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na FIBA World Cup sa China sa Agosto.
Ang kanilang presensiya ay magsisilbing mabigat na hamon para maduplika ng Mighty Sports ang tagumpay na kanilang natamo noong 2017 edition ng Jones Cup kung saan nasungkit nila ang kampeonato sa pamamagitan ng impresibong eight-game sweep.
“The participating teams right now are all strong, national teams lahat. So it’s much more competitive and stronger,” pagbubunyag ni Mighty Sports assistant team manager Jessie Angchonghoo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila kahapon.
“But we’re ready. We have all the tools to compete with them.”
Si Charles Tiu ang gagabay sa Mighty Sports, na palalaksin nina dating PBA imports Renaldo Balkman, Zachary Graham, at Eugene Phelps habang ang locals ay pangungunahan nina Fil-Ams Jason Brickman, Jason Gray, Roosevelt Adams, Mikey Williams, Aaron Black, Gab Banal at Joseph Yeo.
Comments are closed.