MIGHTY SPORTS SA DUBAI FINALS

MIGHTY SPORTS vs Sale Of Morocco

NALUSUTAN ng MightySports-Creative Pacific ang matikas na pakikihamok ng AS Sale of Morocco upang maitakas ang 80-76 panalo at maisaayos ang title showdown sa defending champion Al Riyadi ng Lebanon sa 31st Dubai International Basketball Championship noong Biyernes ng gabi sa  Shabab Al Ahli Club sa United Arab Emirates.

Nagbuhos si Renaldo Balkman, naglaro para sa Puerto Rico sa FIBA World Cup noong nakaraang taon sa China, ng game-high 29 points sa 11-of-16 shooting at kumalawit ng limang  boards sa halos 34 minutong aksiyon sa highly-physical game.

“It was a tough game and good thing Renaldo carried us to victory,” wika ni  coachCharles Tiu. “We have to be consistent from start to end if we are to win thechampionship.”

Magsasagupa ang MightySports-Creative Pacific at ang Al Riyadi para sa titulo sa  Sabado ng gabi kung saan determinado ang una na kunin ang ikalawang sunod na  international title makaraang madominahan ang  Jone’s  Cup noong nakaraang taon via grand sweep.

“Iam proud with our players for playing with great resolve. We have alreadybettered our performance last year,” sabi ni  Mighty Sports owner AlexanderWongchuking.

Ang koponan ay nagtala ng isang panalo lamang sa walong laro sa unang pagsabak nito sa annual tournament, apat ma taon na ang nakalilipas, bago tumapos sa ikatlong puwesto noong nakaraang taon.

Naiposte ni da­ting Gilas naturalized player Andray Blatche ang kanyang ika-6 na sunod na double-double na may 17 boards at  11 boards habang nagpasabog si Mikey Williams ng tatlong triples para sa 12 points.

Gumawa si ex-LaSalle player Jamie Malonzo ng anim na puntos lamang, subalit pinabilib ang crowd sa isa pang monster dunk sa fourth quarter.

Nakontrol ng PH ang laro matapos ang mainit na simula na nagbigay sa kanila ng 25-15 kalamangan sa first quarter.

Iskor:

MightySports (80) – Balkman 29, Blatche 17, Williams 12, Ravena 7, Malonzo 6, Kendrick5, Moore 4, Gomez de Liano 0, Go 0, Belga 0.

ASSale (76) – Najah 20, Kourdou 20, Slimane 14, Arnold 11, Elmasbahi 6, Almahini 5.

QS: 25-15, 44-34, 66-55, 80-76.

Comments are closed.