MIGRANTENG CHINESE, FILIPINO-CHINESE HINIMOK MAMUHUNAN SA MAYNILA

INAANYAYAHAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mas maraming migranteng Chinese at Filipino-Chinese na bumisita at mamuhunan sa kabisera ng bansa.

Kasabay nito, hinikayat din ang mga Chinoy na tumulong sa muling pagpapaunlad at pagbuhay sa ‘majestic Manila Chinatown.’

“Our Chinatown continues to draw thousands or even millions of both local and foreign tourists every year because of those authentic Chinese restaurants that offers popular dimsum and noodles, peking ducks and century eggs and of course Binondo remains famous for its gold and jewelry stores,” ani Manila Mayor Honey Lacuna sa pagbubukas sa publiko ng bagong rehabilitasyong Filipino-Chinese Friendship Arch sa Binondo, tahanan ng pinakamalaking Chinatown sa mundo.

Sinasabing isa na naman na bagong Instagrammable spot sa Maynila na nasa plano ng Manila Tourism Development Plan kaugnay sa panukalang redevelopment ng Hub 2 na binubuo ng Binondo, Escolta at San Nicolas.

Ang naturang pagtitipon na siyang simula ng selebrasyon ng Mid-Autumn Festival na kilala rin bilang ‘Moon Festival’ o ‘Mooncake Festival’ na dinaluhan nina 3rd district Congressman Joel Chua; Manila City Council committee on international relations, 2nd district Councilor Uno Lim; 3rd district Councilors Terrence Alibarbar, Tol Zarcal, Fa Fugoso at Apple Nieto; Minister-Counsellor of the Embassy of the Peoples Republic of China in the Philippines Wang Yui; Fil-Chi Youth Business Association Founding President Peter Zhuang; Filipino Chinese Youth Business Association head Andrew Ong; Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce at Industry Incorporated Executive Vice President Dante Chua at external affairs director Nelson Guevarra; Chen Qiutu of Shanghai; barangay chairman at Manila Chinatown Barangay Organization president Jeff Lau at Cultural Counselor Li Wei of the Chinese Embassy.

Itinuturing bilang pangalawa sa pinakaimportanteng festival sa China na pangalawa sa Chinese New Year, ang nasabing arko na nagsasabi sa mga bumibisita na sila ay pumapasok na sa Chinatown na may bagong bihis sa pagkakaroon nito ng makukulay na ilaw at nagbigay ng kakaibang liwanag.

Ayon kay Ang, ang FCYBAI Ang siyang nagboluntaryong magpaganda, magmintina at magpreserba ng sikat na arko sa pamamagitan ng paggamit ng 800 bombilya na tatagal ng tatlo hanggang limang taon.
Ang arko ay donasyon ni Chan Chau To ng Shanghai, China.

“Binondo is a historical district of this magnificent city, the City of Manila. Known to be the hub of Chinese commerce even before the Spanish colonization. This is the center of commerce and trade of Manila, where all types of business run by Filipino-Chinese thrive. And this is where one of the oldest Chinatown in the world was established. Celebrating the Tourism month this September and at the same time the Mid-Autumn Festival, we find it very timely to light up this Fil-Chi Friendship Gate,” mensahe ni Lacuna.

Ang Mid-Autumn Festival ay nagsimula sa China may 3,000 taon na ang nakalilipas na sa ngayon ang mga overseas Chinese communities tulad ng Filipino Chinese community ay patuloy sa paggunita ng festival sa pamamagitan mooncakes, upang ipagdiwang ang ating rich cultural heritage.
VERLIN RUIZ