BULACAN — NAGSIDATINGAN na ang mga migratory birds sa Gitnang Luzon.
Kinumpirma ito sa PILIPINO MIRROR ni Don Guevarra, information officer ng Department of Environment and Natural Resources office sa Region III.
Sinabi pa ni Guevarra na ang mga buwan ng migratory bird season sa rehiyon ay mula Oktubre hanggang Marso.
Aniya, kabilang sa mga ibon na ito ay ang mga wandering whistling ducks, grey heron, black winged stinls, little egrets at iba pa na nagmula sa northern hemisphere na dumayo sa Manila Bay coastal areas at inland wetlands ng Gitnang Luzon para takasan ang winter months sa mga bansang pinanggalingan ng mga ito.
Nitong nakaraang taon, sinabi ni Guevarra, base sa naging obserbasyon ng Asian Waterbird Census merong 123,003 na ibon ang naobserbahan na dumayo sa mga wetlands ng Manila Bay sa Gitnang Luzon at 25,856 na mga ibon sa inland wetlands para sa kabuuan na 148,859 migratory birds na dumayo sa rehiyon. ANDY DE GUZMAN
Comments are closed.