NAGING makasaysayan ang ginanap na contract signing nina Miguard chief executive officer (CEO) Nolasco Fernandez, Miguard President Manuel Siquian Jr. at Miguard franchisors para sa General Santos City na kinabibilangan nina Edwin Adriano, Atty. Jing Gacal at James Damalerio nitong Miyerkoles sa Solaire Hotel and Casino sa Pasay City.
“Nakatutuwa na ang ang MiGuard ay mayroon ng makatutuwang na siyudad na siyang magbibigay ng seguridad para sa ating mga kababayan,” ani Siquian Jr. “Bagama’t bago pa lamang tayo sa ating bansa, marami ang nagpapakita ng inisyatibo mula sa iba’t ibang sektor para makatulong partikular sa pagsugpo laban sa krimen.”
Matatandaang noong Agosto 17 lamang nag-launch ang MiGuard sa Megatrade Hall ng kasalukuyang taon. Ang MiGuard Alarm Security System ay lokal na bersiyon ng 911 mula sa Amerika subalit mas upgraded ito dahil sa sarili nitong command center sa Quezon City.
“Layunin naming magkaroon ng sariling command center ang mga pangunahing siyudad sa ating bansa. Ang pangunahin naming misyon ay mabasawan ang krimen sa bansa at maiiwas ang ating mga kababayan sa kalamidad at delubyo. May mga aparato ang Miguard kontra sa sunog at baha,” pahayag pa ni Siquian Jr.
Dumalo rin sa contract signing ang mga kilalang personalidad na si Osang Dela Cruz, franchisee para sa siyudad ng Marikina; Raeyan Basa, Miguard VP for Sales; at Benjie Varella, public information officer ng MiGuard.
Comments are closed.