MIGUEL AT BIANCA TANDEM BALIK-TAMBALAN SA ‘SAHAYA’ | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
MIGUEL-BIANCA-4

MIGUEL AT BIANCA TANDEM BALIK-TAMBALAN SA ‘SAHAYA’

LABIS ang pasasalamat ng magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na after ng ten projectsshowbiz eye na ginawa nila sa GMA Network, sa ika-11th serye niya, ay sila pa rin ang magka-loveteam.  Nagsimula silang magtambal noong 2011, sa “Magic Palayok,” nasundan ito ng “Paroa, Ang Kwento ni Mariposa,” “Basang Sisiw,” “Nino,” “Wish I May,” “Ismol Family,” “Once Upon A Kiss,” “Mulawin vs. Ravena.” “Kambal, Karibal,” at ngayon sa newest primetime spectacle, ang “Sahaya.”

Ang “Sahaya” ay isang inspiring story of a determined and special Badjaw na dumanas ng mara­ming pagsubok sa buhay, pero nanatili siyang matatag hanggang kilalanin at hangaan ng mga tao sa kanyang mga tagumpay.

Si Bianca ang gumanap na Sahaya, a beautiful Badjaw lady na may extraordinary abilities.  Si Miguel naman ay si Ahmad, ang childhood friend niya na laging nasa tabi niya at minahal siya no matter what.

“Sa ten years na po naming magkakilala at magkatrabaho ni Miguel, nakilala na namin ang isa’t isa, professionally and personal-ly, sabay po ka­ming lumaki rito,” sabi ni Bianca. “Kaya po thankful kami dahil kami pa rin ni Miguel ang magkatambal dito sa “Sahaya.”  Marami kaming training na ginawa rito kaya lalo po naming in-appreciate ang isa’t isa dahil patuloy kaming nagka-katulungan.”

“Thankful po kami sa big opportunity na patuloy na ipinagkakatiwala sa amin ng GMA,” sabi ni Miguel. “Masaya po ako na muli kaming magkatambal ni Bianca rito.  As a love team, wala na po kami dapat gawing adjustment dahil natural na lumalabas ang acting na kailangan namin dahil kabisado na namin ang isa’t isa.”

Kasama rin sa cast sina Migo Adecer, Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Snooky Serna, Ana Roces, Ashley Ortega, with the special participation at Jasmin Curtis Smith, Benjamin Alves, Gil Cuerva, Karl Medina, sa direksyon ni Zig Dulay.

Isa si Direk Eric Quizon sa cast ng “Sahaya,” at mukhang magiging very busy siya bilang director at actor dahil magsisimula na rin siyang mag-shooting ng “Does Your Mother Knows” na Mother’s Day presentation ng Regal Films sa May. Sina Maricel So-riano at Martin Nievera pa rin ang mga bida at gusto pala ni Direk Eric na kunin si Maine Mendoza bilang anak ni Maricel dahil bagay raw mag-ina. Pero hindi siya sure dahil sa busy schedule ni Maine.

EB DABARKADS NASA HOLY LAND PARA SA MAHAL NA ARAW

UMALIS na ang Dabarkads papuntang Holy Land last Tuesday, March 12. Si Alden Richards ay nag-taping muna ng one day straight last Monday, March 11 ng episode nila ng Lenten Special ng “Eat Bulaga.”  Actually, second day na iyon ng taping niya under Mike Tuviera, na nakasama niya sina Max Collins, Jennica Garcia, Rodjun Cruz, and Ricky Davao. Natapos si Alden ng taping early Tuesday morning.

Mabuti si Maine Mendoza dahil nakapag-taping na siya ng dalawang episode ng Summer Special ng “Daddy’s Gurl” sa La Luz Beach Resort, San Juan, Batangas last weekend.  Natapos naman ng Dabarkads ang advanced taping ng “Eat Bulaga” para sa i­lang araw na wala sila sa bansa.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS