INSPIRASYON para sa Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang kanyang pagkapanalo bilang best actor sa Asian Academy Creative Awards.
Napansin ang galing ni Miguel para sa kanyang pagganap sa teleseryeng “Kambal Karibal” ng GMA7.
Para kay Miguel, malaking boost sa kanyang career ang kanyang pagkapanalo sa nasabing award-giving body.
Katunayan, gusto niyang ihandog ang kanyang award sa kanyang dating mentor: ang namayapang director na si Maryo J. delos Reyes.
Dahil sa natamong award, mas ganado si Miguel na pagbutihin pa ang kanyang craft bilang actor.
Papel ni Diego Ocampo de Villa, ang lalakeng pinag-aagawan ng kambal na magkaribal na sina Crisanta at Crisela ang role ni Miguel sa “Kambal Karibal”.
Kabituin niya rito sina Bianca Umali, Pauline Mendoza at Kyline Alcantara.
RICHARD YAP SUMABAK NA RIN SA POLITIKA
SUMABAK na rin sa politika ang tsinito actor na si Richard Yap.
Isa siya sa celebrities na nag-file ng candidacy para tumakbo sa national elections sa susunod na taon.
Target ni Richard ang maging kinatawan sa North District ng Cebu.
Si Richard ay tubong Cebu. Galing siya sa de buena familia na mahilig magluto.
Isa ring negosyante si Richard dahil may-ari siya ng ilang restaurants na ang specialty ay Asian cuisine.
Huling napanood si Richard sa Kapamilya teleseryeng “Sana Dalawa ang Puso” katambal si Jodi Sta. Maria.
ACCLAIMED SUNDANCE FILM NA “PIERCING”, CLOSING FILM NG QCINEMA FILMFEST
CLOSING film ng QCinema International filmfest ang pelikulang “Piercing” na isinulat at idinirehe ni Nicolas Pesce (The Eyes of My Mother).
Ang nasabing Sundance favorite ay pinagbibidahan nina Christopher Abbott, Mia Wasikowska at Laia Costa.
Ang naturang American horror-comedy ay base sa best selling novel ni Ryu Murakami.
Kuwento ito ng isang lalakeng iniwan at nagpakalayo-layo sa kanyang pamilya. Sa kanyang pagtatago, maninirahan siya sa isang hotel kung saan makikilala niya ang isang escort girl na magsasangkot sa kanya sa isang krimen.
Ang “Piercing” ay nagkaroon ng world premiere sa 2018 Sundance Film Festival noong Enero.
Ang QCinema International Filmfest ay nagdaos sa mga piling sinehan noong Oktubre 21 hanggang 30.
Comments are closed.