HABANG wala pang ginagawang soap opera ang young Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ay bising-bisi siya sa kanyang bagong bukas na milk tea shop at kasama na rin ang isa pang nail salon, na kapwa mina-manage ng kanyang ina na kanyang negosyo kapag nasa showbiz commitment si Miguel.
Kung datirati, ‘pag walang commitment si Miguel ay kay Bianca Umali siya tumatakbo at punong-puno ng larawan nila together ang kani-kanilang socmed, ngayon ay nagbago na ang lahat. Tahimik na tahimik ang kampo ni Miguel sa umiingay na romansang Bianca Umali at Ruru Madrid na madalas na maispatan na magkasama sa iba’t ibang lugar.
Tsikang nag-break na raw sina Bianca at Miguel nang pumasok sa eksena si Ruru pero ang followers ng dalawa ay hindi naniniwala sa tsikang ito dahil hindi pa raw naman umaamin ang dalawa sa tunay nilang relasyon at nauna pa ang tsikang break na sila. Mas lalong tumibay ang paniniwala ng BiGuel na hindi pa rin hiwalay ang dalawa, kitang-kita nila ito sa Christmas ID ng GMA7, kung saan sila ang magkasama at hindi sina Bianca at Ruru, may tsika pa rin na tuloy ang gagawing panibagong teleserye nina Bianca at Miguel sa pagpasok ng bagong taon.
Maapektuhan kaya ang tsikang Ruru at Bianca sa muling pagsasama nina Bianca at Miguel sa isang teleserye?
THERESE MALVAR TULALEY
AMINADO ang magaling na young Kapuso actress na si Therese Malvar na hanggang sa nagta-taping na sila ni Kyline Alcantara ng sarili nilang teleserye na “Inagaw Na Bituin,” hindi pa rin siya makapaniwala na topbill na siya sa isang soap. At siya pa mismo ang main-contravida ng dating la nueva contravida na si Kyline.
Kahit likas na may angking galing sa pag-arte ay nag-workshop pa rin si Therese bilang kontrabida, nag-aral siya ng mga galaw at pananalita ng mga ito. Andiyan din daw na manood siya ng mga pelikula ng mga magagaling nating kontrabida.
Say ni Therese, unti-unti pa lang daw niya nasasaisip na isa na siyang major kontrabida sa teleserye. Kung tulaley si Therese, si Kyline naman ay happy at excited sa bago niyang role.
Ani ni Kyline, malayong-malayo raw ito sa una niyang role sa “Kambal-Karibal” at hinding-hindi raw makikita ng kanyang mga supporter ang dati niyang role sa bago niyang karakter sa “Inagaw Na Bituin”. Kahit nag-recording na ng kanta ay patuloy pa rin si Kyline sa paghasa ng kanyang boses dahil isang singer ang papel niya rito. Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay mapa-panood na ang soap nila Therese at Kyline, new soap, new career image para sa dalawa. As in level up na.
ANGELIKA DELA CRUZ INSTANT SIKAT SA MALAYSIA
LAKING gulat na lang ng actress na si Angelika dela Cruz nang may bumulaga sa kanyang socmed account na pagbati at papuri mula sa mga Malaysian citizen. At nang magtanong-tanong si Angelika kung paano naging hit siya sa mga Malaysian, sinabi ng GMA Management na patok na patok sa naturang bansa ang “Ika 6 Na Utos” nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion at kamakailan lang daw lumabas ang kanyang karakter sa naturang teleserye na airing ngayon sa Malaysia.
Say pa rin sa kanya ng management, naging hit ang byuti ni Angelika at angking ganda sa mga Malaysi-an. Kung kaya hindi na kataka-taka kung sakaling ulanin ang kanyang socmed ng papuri mula sa televiewers sa ibang bansa.