HAPPY ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix na nagkasama ulit sila ng kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali, sa “Sahaya” na mapa-panood pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA7.
Kakaiba naman ang mapanonood ng followers ng BiGuel dahilan sa magiging mga katutubo ang dalawa na kakaiba sa mga nauna nilang mga teleserye. Marami sa followers ng dalawa kahit noong mga bata pa sila ni Bianca na sa huli ay magkakatuluyan ang dalawa sa pagdating ng tamang panahon.
O dili kaya ay maging first love nila ang isa’t isa. At nang tumuntong na nga si Bianca sa legal age, tila nagbago ang ihip ng hangin, mas naging maingay ang tsikang si Ruru Madrid ‘diumano ang boypren ni Bianca dahil sa madalas silang makitang magkasama noong bago pa man gawin ni Bianca at Miguel ang “Sahaya”.
Say ng young actor, talagang magkakasama naman talaga silang tatlo sa isang show, sa “Sunday Pinasaya” at doon nga nabuo ang kanilang pagka-kaibigan. Aminado si Miguel na best friends lang sila ni Bianca at sa palagay rin ni Miguel ay magkaibigan din sina Ruru at Bianca.
Ani pa ng young actor, sa showbiz naman daw talaga ay hindi maaalis ang pagli-link, pero para kay Miguel ay alam niya kung ano ang totoo sa tsika between Ruru and Bianca. Happy si Miguel kung anuman ang relasyon nila ngayon ni Bianca at komportable sila sa isa’t isa. Pagdating naman sa isyung magiging sila rin, say ng young actor, nagsisimula ang isang malalim na relasyon sa pagiging magkaibigan dahilan sa mas nakikilala nila ang isa’t isa.
DINGDONG DANTES TAGASALO NI MISIS
IDEAL couple talagang maituturing sina Dingdong at Marian Rivera-Dantes, kitang-kita ng masa ang kanilang matamis na pagmamahalan at samahan. Nandoon lagi ang isa’t isa para sa suporta sa anak, pamilya at trabaho. Ngayon na nalalapit na ang panganganak ni Marian para sa second baby nila ni Dingdong, na isang baby boy, ay si Dingdong ang napili ni Marian na maging kapalit niya sa pagho-host ng kanyang weekly anthropology show na “Tadhana” na mapan-onood sa GMA7 kada Sabado ng Hapon pagkatapos ng “Dragon Lady.”
Say ni Marian, kaya ang mister ang kanyang napiling maging kapalit niya pansamantala ay malapit talaga sa puso ni Marian ang show at ang nais ni-yang humalili sa kanya ay isang taong mahal na mahal rin siya at walang ibang nasa isipan ni Marian kundi ang mister.
Game na game naman si Dingdong na maging kapalit pansamantala ng misis kahit pa sabihin na double effort siya nga-yon sa pagiging host, andiyan din kasi ang kanyang “Amazing Earth” na mapanonood naman tuwing Linggo ng hapon, kung saan ay kinukunan pa sa iba’t ibang parte ng Filipinas. At siyempre double effort na rin sa pagiging ama kay Zia pagkatapos ng mga tapings niya lalo ng ngayong maselan na ang kalagayan ng misis.