PINABULAANAN at tinawag ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na malisyosong pagpaparatang ang kumakalat na video ngayon sa social media na diumano’y iniwasan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na itaas ang kamay ng kanyang ama na si Gov. Joe Zubiri sa ginanap na campaign rally ng UniTeam sa Malaybalay, Bukidnon.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Zubiri na nagkaroon lamang ng kalituhan sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa stage.
Sinabi rin niya na ang pagkakaputol sa naturang video ay may layuning manlinlang lamang.
“The truth is it’s just a simple miscommunication between my father and BBM on the sequence of events, which is that, after BBM speaks, he was supposed to wave the flag and then raise the hand of the local parties. Which he did, after he waved the flag,” pahayag ni Zubiri.
“Obviously, there is a malicious intent to create intrigue by only showing that particular portion of the video and omitting totally the second portion of that sequence of events,” dagdag pa niya.
Si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential bet Marcos at ang UniTeam slate ay bumisita sa Bukidnon bilang bahagi ng kanilang limang araw na pangangampanya sa Mindanao na nagsimula noong March 27.
Ayon kay Zubiri, ang lumabas na video ay nagtatangkang paghiwa-hiwalayin ang UniTeam at kanilang local political party.
Sa kasalukuyan ay may higit limang libong views na ang post at mahigit 1,500 na ang nagbahagi nito.
Nakakuha ng positibong mga komento si Zubiri at hinangaan siya ng mga tao sa kanyang pagsasabi ng totoo patungkol sa nangyari.
Samantala, nagulat din si Zubiri sa dami ng tao na pumunta sa grand rally ng UniTeam na aniya’y pagpapakita ng mainit na suporta ng mga taga-Bukidnon para sa kanila.
“For us in Bukidnon, it’s not an issue at all, and as a matter of fact we are still in disbelief at the amount of people who turned up for that Grand Rally. Close to one hundred thousand people came to listen to the UniTeam candidates. I believe that should be highlighted and not every little thing that happens on stage. Let’s not make a big thing out of nothing. Peace everyone,” dagdag niya.
Si Marcos at kanyang running mate na si Inday Sara Duterte ay nananatiling nangunguna sa kanilang mga katunggali sa mga inilalabas na surveys.
Dahil dito, ang BBM-Sara UniTeam tandem ay nasa dulo ng negatibong pangangampanya at personal na pag-atake kahit na ang mga resulta ng survey ay nagpapakita na ang dalawa ay tiyak na makakakuha ng landslide na boto sa parating na halalan.