MIKAEL DAEZ, MEGAN YOUNG GUSTO NA NG BABY

ILANG taon na rin naman kasal ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young at pareho nilang choice na wag na munang magkaanak. Gusto raw nilang namnamin ang mga happy moments nilang mag-asawa na sila lamang ang magkasama. Iba kasi ang magiging sitwasyon kung may baby na sila. Pero tila nagbago na ang ihip ng hangin. Ready na raw silang magkaroong ng baby ngayon.

“Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat,” saad ni Mikael.

Ano kaya ang naghudyok sa mag-asawa na magkaroon na ng anak?

“I’m not sure nga, e. Feeling ko parang biglaan na lang ’yon, eh. Dati sinasabi ko, wala, hindi, not yet. Pero now, maybe. Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat. Don’t worry. Pati ako magugulat, promise. Hahaha!” say pa rin ni Mikael.

Ngayong plano na nilang magka-baby, kasama rin kaya sa plano nina Megan na manirahan muli sa Manila? Sa kasalukuyan kasi ay sa Subic sila naninirahan.

“Ngayon, kampante kami. Subic really is our home,” ani Mikael. “Alam mo naman kami ni Megan, byahe here, byahe there, byahe everywhere. I’d like to call Subic our main home pero it will take some time. Marami pang kaila­ngang gawin. Luma ’yong bahay, e. So unti-unti.”

DIEGO LOYZAGA HEALING A BROKEN HEART SA USA

Handa ring harapin ng dating couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang bukas kahit magkahiwalay sila.

Bukod pala sa bakasyon sa Amerika ay may isa pang purpose si Diego Loyzaga, ang paggamot sa kanyang broken heart. Wala  pa rin siya ngayon sa Pilipinas dahil dalawang pelikula ang ginawa niya — ang sa “The Wife” na streaming na ngayon, at ang upco­ming movie niyang “Ibong Adarna” na magsisimula nang i-stream sa Marso 11 sa Vivamax.

Ani Diego, may mga plans siya sa 2022 pero minsan, kung alin ang pinaplano, iyon ang hindi natutupad.

Nang kamustahin namin ang lagay ng kanyang puso after ng break-up nila ni Barbie, aniya, “I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time. It was so good. I love the States,” dagdag pang pahayag ni Diego.