MIKEE QUINTOS NAG-DISPLAY NG LEGS SA MIAMI, FLORIDA

MIKEE QUINTOS

MAS pinili ni Mikee Quintos na sa Miami, Florida ang Christmas vacation niya with her parents at ng sister niyang katatapos lamang kumuha ng bar exam.  Walang snow doon, kaya nakapag-display si Mikee ng kanyang shapely legs sa showbiz eyeCocoa Beach, Florida.

Na-meet naman si Mikee ng friend naming si Jepay Austria, who is working sa Costco Mall doon at kuwento niya, maraming Pinoy ang natuwa nang makita nila si Mikee na nagsi-shopping.  Kilala raw nila si Mikee dahil napapanood nila sa primetime drama nitong “Onanay.”  Maraming post si Mikee sa kanyang Instagram story na kasama ng mga Pinoy doon na nagpa-picture sa kanya.

Ayon kay Mikee, one of the best vacation niya iyon ng Christmas at nagpasalamat din siya sa mga blessing na natanggap niya in 2018.  Isang malaking opportunity rin daw sa kanya ang kanilang primetime series na “Onanay” dahil ma­rami siyang natutunan.  Isa rito ay ang makasama sa maraming eksena si Superstar Nora Aunor as her lola sa story. Marami siyang inputs na nakuha rito kaya isang rare opportunity raw talaga na makasama si Ms. Nora at si Ms. Cherie Gil na isa pa rin sa nagbigay ng  tips sa kanya sa acting. Kaya pahayag ni Mikee:

“Biggest 2018 lesson: Don’t be afraid to take what you need.  Hearts might break, tears might fall, at the end of the day it’s all in our Creator’s hands.  You’ll never go wrong with trusting Him with your life.  May we all have a blessed year ahead! Happy New Year!”

Back to taping na nga si Mikee ng “Onanay” at nagpasalamat din siya kay Jo Berry na gumanap niyang nanay na si Onay, si Kate Valdez na stepsister niyang si Natalie/Rosemarie, Rochelle Panganiban as her ninang Sally, Wendell Ramos as her real father Lucas, Enrico Cuenca as her boyfriend Oliver at sa kanilang director si Ms. Gina Alajar.

Malapit na silang magtapos sa primetime block ng GMA 7, after ng “Cain at Abel.”

MMFF WALA PANG INILALABAS NA OFFICIAL RANKING NG 8 PELIKULA

LAST day na sa Monday, January 7, ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF), pero wala pang inilalabas na official rank-mmffing ng walong pelikulang kalahok.  Ang nakatutuwa lamang balita, ang “Rainbow’s Sunset” ay nasa 5th rank na, at sabi ay puwede pa raw ma-overtake nito ang “Mary, Marry Me.”

Narito ang unofficial ranking ng top five movies: 1. Fantastica,” 2. “Jack Em Popoy: The Pulis Credibles,” 3. “Aurora” 4. “Mary, Marry Me,” 5. “Rainbow’s Sunset.”

Sumusunod daw ang “One Great Love,” “The Girl in the Orange Dress,” at “Otlum,”  Ayon pa rin sa mga balita, kinita naman ng lahat ng pelikula ang mga nagastos nila at walang nag-abono sa mga ginawa nilang entries.

At, kaya nga bang abutin ng MMFF 2018 ang target gross nilang 1 billion pesos?

Meanwhile, nag-post naman ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ng pasasalamat sa lahat ng mga nanood ng kanilang pelikula na nagtatampok kina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin, sa direksyon ni Mike Tuviera.

Comments are closed.