NAKUHA ng Fil-Am rookie sensation ng TNT Tropang Giga ang kampeonato at ang Finals MVP, at nangunguna sa statistical points race papasok sa second conference ng Season 46.
Sa kanyang outstanding performances sa TNT-Magnolia finale, nalagpasan ni Mikey Williams sina Calvin Abueva ng Magnolia at Robert Bolick ng NorthPort sa stats derby sa pagtatapos ng All-Filipino tourney.
Ang Cal State Fullerton product ay may average na 35.3 stats points, tampok ang league-best norm na 18.7 points per outing. Ang 6-foot-2 gunner ay nagtala rin ng average na 4.8 rebounds at 4.5 assists kada laro.
Nanatili si Bolick sa ikalawang puwesto na may 33.7 SPs average habang nahulog si Abueva (32.3) sa ikatlo, kasunod sina Ian Sangalang (32.2) at June Mar Fajardo (31.8) para sa Magic Five.
Ang sumunod na lima ay sina NorthPort rookie Jamie Malonzo (30.2), Barangay Ginebra’s Christian Standhardinger (29.5), Phoenix Super LPG’s Jayson Perkins (29.4), Ginebra’s Scottie Thompson (29.3) at San Miguel’s CJ Perez (29.1).
Hindi nakapasok sa Top 10 sina TNT’s RR Pogoy (28.8) at San Miguel’s Arwind Santos (28.2).
Si Calvin Oftana ng NLEX ay ikatlo sa mga rookie sa likod nina Williams at Malonzo na mat 21.2 SPs per game.
Nasa ika-4 na puwesto si Leonard Santillan ngRain or Shine na may 16.7, kasunod si Meralco’s Alvin Pasaol (13.9) na naungusan sina Benedict Adamos ng Alaska (13.1) at Troy Rike ng NorthPort (12.9).
Subalit nakatutok ang lahat kay Williams sa second conference na magsisimula sa ikatlo o ika-4 na linggo ng Nobyembre.CLYDE MARIANO