HINIRANG sina Ada Milby at Stephen Fernandez, kapwa aktibong opisyal at dating mga atleta ng Rugby at Taekwondo, ayon sa pagkakasunod, bilang Deputy Chefs De Mission ng Team Philippines, upang magsilbi kasama sina Philippine Sports Commission Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey at Ramon Fernandez.
Aasistihan nila si PSC Chairman William Ramirez sa kanyang trabaho bilang Chef de Mission sa 2019 Southeast Asian Games, na may tatlong main clusters sa Subic, Clark, Manila at iba pang venues sa Batangas, Cavite, La Union, Bulacan, Tagaytay at Calatagan.
“Stephen will be the Senior DCDM,” ayon kay Ramirez.
Nauna nang lumutang ang mga pangalan nina Milby at Fernandez para sa DCDM bago pa man nag-resign si dating Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas sa kanyang puwesto.
Magiging abala ang mga DCDM sa pagmo-monitor at pakikipag-ugnayan sa kanilang sariling sports.
Ang mga PSC Commissioner ay nagsimula na sa kanilang trabaho bilang DCDM makaraang tanggapin ni Ramirez ang appointment noong Mayo. Inasistihan ang kanilang chief, nakipagpulong sila sa mga sports sa kanilang clusters habang hinihintay ni Ramirez na bigyan siya ng DCDM ng POC.
“The PSC Commissioners were a logical choice since they have already started coordinating with NSAs. They are also part of the board which will approve requests so it is good for them to know the situation on the ground for deeper understanding of our athletes’ needs,” wika ni Ramirez.
Comments are closed.