Mild symptoms ng COVID-19 ‘wag na iospital

MAAARING sa kanilang mga tahanan na lamang gamutin ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na may mild symptoms lamang ng sakit, ngayong halos puno na ang mga pagamutan ng mga pasyente.

“Ang panawagan, ‘yung mga mild infections huwag na dalhin sa hospital. Doon na lang sa bahay i-isolate ninyo if there are rooms na puwedeng i-isolate na mayroong ganoong karamdaman,” ayon kay infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante, ng San Lazaro Hospital, sa panayam sa radyo.

Sinabi ni Solante na ang mga pasyente na may ubo at lagnat, na walang kasamang hingal, ay maaaring gamutin sa bahay, sa pamamagitan nang pag-inom ng tubig, pagkain ng masusustansiyang pagkain at ng akmang gamot.

Dapat aniyang i-monitor ang mga ito at kung nababahala sa lagnat ay maaari itong bigyan ng paracetamol.

“Kapag mild, ubo lang, lagnat tapos walang hingal, tignan mo kung walang hingal kasi ibig sabihin puwede na lang sa bahay. Bigyan ng eksaktong fluid rehydration, pag-inom ng tubig, pagkain at obserbahan at mino-monitor. Kung nababahala sa lagnat, bigyan ng paracetamol,” ani Solante.

Kung makikita aniyang nahihirapan nang huminga ang pasyente ay kinakailangan na nito ng professional assistance.

Paliwanag niya, ang mga pasyente naman na malala ang karamdaman ay kailangan nang dalhin sa mga pagamutan dahil kakailanganin ng mga ito ng mechanical ventilators.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Sabado ng hapon ay mayroon nang 784,042 ang kabuuang bilang ng mga pasyente ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 98.7% ang asymptomatic o mild cases lamang, 0.5% ang severe, 0.5% ang kritical at 0.30% ang moderate cases.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Solante na kinakailangan nila ngayon na mai-reallocate ang kanilang COVID-19 bed capacity sa San Lazaro Hospital dahil sila ay overwhelmed na ng mga pasyente.

“’Yung situation namin ngayon, overwhelming dahil ‘yung mga pasyente natin ngayon talagang hirap kami kumuha ng bakante ngayon dahil talagang we have to allocate the bed especially for the moderate, severe to critical (cases),” aniya.

Sa ngayon aniya ay apat na critical cases ang magkakasama sa isang kuwarto sa kanilang pagamutan.

“Majority sa mga pasyente na dumadating sa amin, around 70% severe to critical ‘yan. So makikita mo ‘yan we only have 10 ICU beds, and these patients need ICU care. So ang ginagawa namin, sa isang room may 4 na critical para lalong ma-accommodate ang mga pasyenteng dumadating,” aniya pa.

Matatandaang Marso 10 pa nang mag-ulat ang San Lazaro Hospital, na isang COVID-19 referral hospital, na nasa full capacity na ang kanilang intensive care unit (ICU) beds. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “Mild symptoms ng COVID-19 ‘wag na iospital”

  1. 944877 770493If you are viewing come up with alter in most of the living, starting point typically L . a . Weight reduction cutting down on calories platform are a wide stair as part of your attaining that most agenda. weight loss 589097

  2. 53198 158362Currently it seems like BlogEngine may be the greatest blogging platform out there correct now. (from what Ive read) Is that what you are making use of on your blog? 569902

Comments are closed.