Wow! Mukhang nagkabalikan sina Miles Ocampo at Elijah Canlas, and this time, mas sweet daw sila.
Mantakin mong nahuli raw naghahalikan sa kasal Nina Jose Manalo at Mergene Maranan! On cam pa kaya hindi pwedeng i-deny.
Wala namang masamang nagkabalikan sila dahil pareho naman silang single — at dati ngang sila. Kahit naghiwalay sila, hindi naman sila nagsiraan.
Invited sila sa kasal nina Jose at Mergene dahil co-host ni Jose si Miles sa TV5 noontime show na Eat Bulaga! Si Elijah naman, well, ewan kung bakit invited. Baka plus 1 ni Miles.
Sa video, nakaupo ang dalawa habang naglalakad ang mga bridesmaid at groomsmen nang biglang tumingin at lumapit si Elijah Kay Miles at hinalikan ito sa labi. Kung sa pisngi lang, palalampasin na sana namin — baka friendly kiss lang — pero walang friends na nakikipaghalikan sa labi. Malamang,bsila na nga uli kahit wala pang kumpirmasyon.
Matuwa na lang tayo para sa kanila.