MILES Ocampo on Home Sweetie Home co-star John Lloyd Cruz: “In touch pa rin po kami ni Kuya Lloydie, pero hindi kasi ako nagtatanong ng anything related sa trabaho. Nahihiya po kasi ako. Pero nagkukumustahan kami, okay naman po siya. He’s very happy.”
Dahil nagbabu na sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home, si Piolo Pascual na may dramang mas gusto na lang daw niyang gumawa ng pelikula kaysa gumawa ng sitcom, not to mention his plans of studying abroad, marami ang umaasang babalik ang original lead star nitong si John Lloyd Cruz.
Pero nang makausap nang press si Miles Ocampo sa set ng bago niyang pelikula, clueless ito sa muling pagbabalik ni John Lloyd sa naturang serye. Matatandaang October 2017 noong magbabu sa sitcom ang aktor dahil sa personal issues.
Anyway, may communication pa raw sina Miles at Kuya Lloydie niya pero never raw siyang nagtanong ng anything related to work.
“Yung about kay Piolo lang po ang alam namin,” asseverated Miles in an interview.
Anyhow, sa pagre-reformat ng show, may mga bagong characters na papasok sa cast.
MAX COLLINS AT PANCHO MAGNO, HINDI NAGMAMADALING MAGKA-BABY
HAVING a baby is not Max Collins and Pancho Magno’s priority at the moment.
Umi-ere pa raw kasi ang Bihag at kaka-start namang mag-taping ni Pancho ng Dahil Sa Pag-ibig kung saan kasama niya rito sina Winwyn Marquez, Sanya Lopez at Benjamin Alves, kaya on hold na muna ang paggawa ng bata.
Anyway, ikinasal raw sila last December 11 last year at hindi pa sila nakapagha-honeymoon.
Plano raw nilang mag-honeymoon sa Europe ng at least mga three weeks, gusto raw nilang ikutin ang Portugal, Spain, Italy, Russia bago magbuntis si Max.
Pagkatapos ba nang pag-ere ng Bihag sila magbibiyahe ni Pancho?
“Depende rin sa schedule, maybe more of next year.
“It’s about timing din, ayaw naming biglain kasi siyempre mahirap talaga, e.”
Last December, apart from their wedding, her winning the Metro Manila Film Festival Special Jury Prize in her portrayal of the young Gloria Romero in the movie Rainbow’s Sunset was ultra-memorable.
Sa Bihag naman na serye ng GMA, labis niyang ikinatutuwa ang magagandang feedbacks na kanilang nakukuha sa role niya bilang Jessie.
Kasama niya sa Bihag sina Jason Abalos bilang si Brylle, Sophie Albert bilang Reign, Raphael Landicho bilang Ethan, Neil Ryan Sese bilang Amado at Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda.
Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, mapanonood ito right after Dragon Lady.
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung kasama ko si Alden Richards.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.