Love is lovelier the second time around daw. Kamakailan lamang, nakita ang mag-ex na sina Miles Ocampo and Elijah Canlas na masaya at magkasama sa isang event. Sila na uli? Walang kumpirmasyon, but action speaks louder than words.
Malabo rin ang sagot ni Miles tungkol dito na “Let’s see. We’re working on it.” Parang meron, parang wala. Sabagay, hindi rin naman malinaw kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa.
Kahit nga si Elijah, nagpahiwatig na mahal pa niya si Miles. So, bakit nga naghiwalay? Parang lumalabas pa, hindi naman siya nagkulang ng pagmamahal kay Miles, ito lang ang hindi maka-appreciate.
Pero teka lang! Hindi ba nagkaroon ng cancer si Miles. Magaling na lang nga ngayon. Baka na-insecure dahil sa sakit kaya nagkpag-break, at si Elijah naman, hinayaan na lang para hindi ma-stress ang kanyang ex.
Mahigit dalawang taon din ang itinagal ng relasyon nina Miles at Elijah at naghiwalay lamang sila noong kalagitnaan ng 2023. Ngayong nakakatatlong buwan na ang 2024, mukhang nagkakabalikan na. Magulo pa kayo sa …. Ayokong sabihin! Magbalikan na lang kayo kung magbabalika. NLVN