MILF BOBOTO TOTAL GUN BAN IPATUTUPAD

MINDANAO-SA unang pagkakataon matapos ang pag-iral ng pangmatagalan kapayapaan ay gagamitin ng mga tropa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang karapatang makaboto ngayong May 9 National and Local polls.

Subalit, mahigpit na ipagbabawal sa hanay ng MILF na boboto na magbitbit ng kanilang mga sandata o magsuot ng kanilang uniporme.

“For the first time, our MILF brothers will be exercising their political right to vote. We have also to safeguard the area and remind them that in voting, wearing of MILF uniform and bringing of firearms are strictly prohibited under the protocols agreed on the ground,” pahayag ni Brig. Gen. Antonio Nafarrete, chairman ng government panel sa Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities (CCCH).

Ayon Nafarrete, lumagda ang gobyerno, mga opisyal ng MILF maging ang International Monitoring Team (IMT) at ang Commission on Elections sa panuntunan para sa ceasefire related functions para sa halalan.

Sa ilalim nito, papayagan silang makaboto sa ilang mga kundisyon:
– Susunod sila sa ceasefire protocols ayon sa operational guidelines ng Agreement on General Cessation of Hostilities of 1997
– Hindi gagawa ng anumang karahasan o pang-uudyok na posibleng maghudyat ng gulo sa MILF, sibilyan o kaya ng government security forces
– Mananatiling neutral sa lahat ng oras.

Ayon kay MILF CCCH Chairman Butch Malang na ang aprubadong guidelines ay naipadala na sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamid Armed Forces (BIAF) para sa istriktong pagsunod nito.

Aminado si Malang na excited sila na makaboto sa nalalapit na halalan dahil ito ang unang pagkakataon nilang magamit ang karapatang ihalal ang lider na gusto nila.

“We will tell our members to follow these guidelines strictly because these are for everyone’s welfare. It is but right to have a clean and honest election,” ani Malang.

“The decommissioning is still ongoing, and as the election comes, we have to remind our forces on the ground that we still have those combatants that might be affected by these elections. Hopefully, no untoward incident will happen that is election-related,” ani Nefarrete. VERLIN RUIZ