TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na welcome sa National headquarters ang mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at maging ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ang pronouncement ni Albayalde ay kasunod ng magandang pagtanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar nang umapak ito sa kauna-unahang pagkakataon sa Camp Aguinaldo sa Quezon City noong isang linggo upang magkortesiya kay AFP Chief of Staff, Gen. Carlito Galvez.
Layunin din ang pag-usapan ang maselang bahagi ng probisyon sa binalangkas na Bangsamoro Basic Law (BBL).
Kasama ni Jaafar na tumuntong sa Camp Aguinaldo si Bangsamoro Islamic Armed Forces chief of Staff, Sammy Al Mansour at miyembro ng Bangsamoro Transition Commimision (BTC).
Sinabi pa ni Albayalde na gaya ni Galvez, bukas din ang kanyang tanggapan sa mga kapatid na Moro at katunayan aniya ay welcome sa kanya ang pagbubuo ng PNP regional office na sasailalim ng hurisdiksyon.
Magugunitang sa pagkikita nina Jaafar at Galvez, sinabi ng AFP Chief of Staff na ang pagbuo ng Bangsamoro region ay magbibigay daan para sa mas mabuting relasyon ng militar at MILF at maging sa BIFF. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.