CAVITE – ISA na namang miyembro ng Bayan militant group na sinasabing may dalawang kasong kriminal ang napatay makaraang manlaban sa mga operatiba ng pulisya na nagsilbi ng search warrant sa Florenceville Subd. Brgy. Salitran 1, Dasmarinas City, Cavite kahapon ng umaga.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, sinalakay ng Cavite PNP ang opisina ng Workers’ Assistance Center sa nasabing lungsod kung saan sinasabing nanlaban ang biktimang si Emmanuel “Manny” Asuncion y Araga na tumatayong Bayan-Cavite coordinator.
Sa police report, isisilbi sana ng mga awtoridad ang search warrant laban kay Asuncion sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 na inisyu ni Judge Jose Lorenzo R. Dela Rosa ng Manila Regional Trial Court Branch 4 nang manlaban at pakipagbarilan ito kaya napatay.
Napag-alamang nahaharap sa kasong pagpalag sa RA10591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9561 (Comprehensive Drugs Act of 2002) si Asuncion kaya inilatag ang drag operation subalit nauwi sa shootout.
Naisugod naman sa Dela Salle Medical Hospital subalit idineklarang patay si Asuncion habang nasamsam sa kanya ang isang cal. 45 pistol na kargado ng anim na bala habang narekober naman sa encounter site ang apat na basyo ng bala.
Kasalukuyang inaalam ng Cavite PNP ang iba pang miyembro ng militant group na sinasabing may mga nakabinbing kasong kriminal na nagtatago sa ibat ibang bayañ sa lalawigan ng Cavite. MHAR BASCO
771936 208635Awesome read , Im going to spend much more time researching this topic 408217