ISINISI ng Malacañang kay dating Pangulong Noynoy Aquino ang patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi kailanman hihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kung naging malambot man ito sa kanyang mga polisiya laban sa China.
Mas makabubuti pa rin umanong idaan pa rin sa diplomasya ang pagresolba sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea dahil kung gagamit ang Filipinas ng dahas laban sa China gaya ng ginawa noon ni dating Pangulong Aquino ay magdudulot lamang ito ng hidwaang militar.
Matatandaang nagkaroon ng standoff sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Navy at ng China nang magpadala si Noynoy ng mga sundalo sa Scarborough o Panatag Shoal.
Ipaubaya na lamang umano kay Pangulong Duterte ang diskarte sa pagitan ng Filipinas at China dahil siya naman ang may akda ng mga foreign policy.
Comments are closed.