MILITARY CAMPAIGN SA MINDANAO PINAIGTING

terorista

TULOY-TULOY ang ginagawang pagtugis ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force Central  laban sa mga teroristang grupo sa North Cotabato at Maguindanao.

Ito ay kasunod ng naging pagkumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinututukan na ng militar ang naulat na may pitong foreign terrorist ang naglulungga ngayon sa mga kuta ng  ISIS-influenced terror group.

Kabilang sa mga tinutugis na foreign terro­rist ay mga Indonesian, Malaysian, Singapo­rean at Egyptian nationals.

Kinumpirma rin ng kalihim na may mga ini­lulunsad na surgical strike laban sa grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group) na sinasabing nagkakanlong sa mga foreign bomber.

Maliban sa grupo ni Toraife ay tinutugis na rin  ang  pitong  dayuhang terorista na umano’y kinakanlong ng BIFF.

Tuloy pa rin ang air to ground assault ng militar sa Liguasan Delta at SPMS Box sa Ma­guindanao.

Umakyat na rin sa 3 BIFF ang nasawi at ma­rami ang sugatan, samantalang isang sundalo naman ang binawian ng buhay. VERLIN RUIZ

Comments are closed.