MILITARY FACILITIES SA PAGASA ISLAND ININSPEKSIYON

PERSONAL na pinangunahan ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang pagbisita sa Pagasa Island sa West Philippine Sea (WPS) nitong nakalipas na Linggo bilang bahagi ng kanyang inspection sa lahat ng military facilities instillation sa nasabing bahagi ng Kalayaan Island Group.

Layunin ng pagbisita ni Centino sa iba’t-ibang government facilities na naka-base sa Palawan na magsagawa ng inspection sa military facilities at alamin ang kalagayan ng mga sundalo, kanilang morale at siguruhin ang operational readiness ng bawat ensure unit para magampanan ang kanilang misyon.

Ang Pagasa Island ay kabilang sa nine features sa Kalayaan Islands Group na kabilang sa teritoryo ng Pilipinas at sakop ng Palawan’s Kalayaan municipality.

Bago pa nagtungo sa Pagasa Island si Centino, bumisita ito sa headquarters ng Joint Task Force (JTF) Malampaya sa El Nido na siyang responsable sa pagbibigay seguridad Malampaya gas field.

Nagsagawa din ito ng inspection sa frigate ng Philippine Navy’s BRP Jose Rizal na siyang nagsasagawa ng patrolya sa West Philippine Sea.

Siniguro ni Centino na suportado ng AFP ang patuloy na modernization program ng Navy.

Kasabay ng pagdalaw ni Centino sa Western Command (Wescom), pinangunahan nito ang donning of three-star rank kay Vice Admiral Alberto Carlos ang bagong commander AFP Western Command.

Itinalaga si Carlos bilang Commander ng Wescom nitong Enero 21 matapos magretiro sa serbisyo si Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez. VERLIN RUIZ