PASADO na sa Super Ad hoc Committee on the Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System ng Kamara ang MUP Pension substitute bill kung saan pinagsama-sama ang magagandang panukala para gawing lalong matatag ang pondo sa pensiyon ng mga kasundaluhan at uniformed personnel.
Pinamamatnugutan ni Albay 2nd district Rep. Joey Sarte Salceda, ang ‘MUP super body’ ay binubuo ng lahat na miyembro ng limang pangunahing komite ng Kamara, kasama ang Ways and Means na pinamumunuam din ni Salceda, Government Enterprises, Defense, Appropriations, and Public Order.’
Itinatag ito bilang tugon sa pangamba na dulot ng ‘Saving the MUP Pension bill’ na inihain ni Salceda kamakailan tungkol sa nagbabantang “total fiscal collapse” ng sistema sa pensiyon ng mga retiradong sundalo, pulis at ibang katulad nila, kung hindi agad marereporma ang naturang sistema. May P9.6 trilyong unfunded deficit na diumano ang MUP pension system katumbas ng 53.4% ng nominal gross domestic product (GDP) noong 2020 na magiging 66% ng target deficit ng bansa sa 2035.
Hindi hamak na malaki ang P9.6 trillion unfunded deficit kung ihahambing sa P413.45 bilyong utang na naiwanan sa Bangko Sentral ng administrasyong Marcos na katumbas ng 25.3% ng 1993 nominal GDP, at sa P1.24 trilyong utang ng power sector noong 2001 na katumbas ng 31.8% ng nominal GDP ng taong iyon.
Ayon kay Salceda, inaprubahan nila ang substitute MUP Pension bill matapos maresolba ang maseselang isyu at magkasundo ang mga kasapi ng komite at kinonsulta nilang mga opisyal ng militar at kagaya nilang serbisyo. Kasama sa aprubadong panukala ang mga usaping nilinang nila sa nakaraang mga konsultasyon gaya ng mga karagdagang benepisyong siguro para sa mga lubhang napinsala habang nasa serbisyo, na bukod pa sa mga tinatanggap na nila, at ang paglikha ng Provident Fund na dadagdagan pa sa boluntaryong mga ambag ng mga kasapi.
Isinulong ni Salceda ang karagdagang ‘disability benefits’ sa ilalim ng lilikhaing ‘insurance system; na ipinanukala ni Rep. Raul Tupas upang lalong palakihin ang benepisyo para sa mga pensiyunadong nagtamo ng kapinsalaan habang nasa serbisyo.
Bahagi rin ng aprubadong ‘bill’ ang panukala ni Rep. Rufino Biazon na dapat ay maliwanag kung sino talaga ang mga kasapi sa MUP system.
Pinuna ni Salceda na ang MUP pension system ay dapat matagal nang naisaayos na nagsimula pa noong 1978. “Noong 2004, iniutos ni dating Pangulong Arroyo ang pag-aaral dito dahil sa ilang problemang lumitaw noon. May inihaing bill kaugnay nito noong 2006, ngunit makalipas ang 17 taon, walang nangyari, samantalang nalutas ng Bangko Sentral ang usapin sa utang na iniwanan ng administrasyong Marcos sa loob lamang ng pitong taon. Natugunan naman ang problema sa pagkakautang ng power sctor sa loob lamang ng apat na taon nang likhain ang PSALM,” paliwanag niya.
Kasama sa mga tampok na reporma sa inaprubahang bill ang mga sumusunod: pagtigil sa ‘automatic indexation’ ng bayad sa pensiyon ngunit pananatilihin ang hindi pag-ambag ng mga MUP sa pondo ng pensiyon; batay sa ‘cost-of-living adjustment’ ang pagdagdag sa pensiyon; italaga sa 56 taong gulang ang pagretiro; hayaan ang pagretiro pagkatapos ng 20 serbisyo; higit na mataas na benepisyong ‘insurance’ para sa nasugatan o namatay habang nasa serbisyo; at paglikha ng ‘Military and Uniformed Services Trust Fund.’
565252 137311extremely nice post, i really love this internet web site, carry on it 27007
679703 548825I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only recently have I got a chance to checking it and need to tell you good work. 826039