LEGAL at walang nilabag na batas ang napaulat na paglapag ng military plane ng China sa Davao City kamakailan.
Pahayag ito ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na kumumpirma sa paglapag ng isang military plane ng China.
Agad niyang nilinaw na walang kahina-hinala sa paglapag ng IL-76 sa paliparan dahil nagpakarga lamang ito ng aviation fuel matapos na makakuha ng request for landing mula sa ilang concerned government agencies.
“The landing was requested for the specific purpose of refuelling and was granted and given with specific conditions for compliance by the requesting party. Technical stops by foreign government and commercial planes, including for refuelling purposes, are closely coordinated by our relevant Government agencies following established domestic procedure and in consideration of existing agreements,” ani Go.
Nauna nang kumalat sa social media ang larawan ng military plane ng China na umano’y nag-landing sa Davao City International Airport noong nakaraang linggo.
Paliwanag ni Go, ang technical stops ng ilang foreign government at commercial planes, kabilang na ang refueling ay mahigpit na binabantayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang sa gayon matiyak namang nasusunod ang domestic procedure at mga kasunduan para rito.
Kahalintulad lamang umano ito ng natatanggap na kortesiya ng mga eroplano ng gobyerno ng Filipinas kapag kinailangan nitong mag-technical stop sa ibang bansa.
Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Edgard Arevalo, may legal na basehan na lumapag ang military plane ng China sa mga paliparan ng bansa kung ito ay para magpakarga ng gas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.