MILITARY WAR EXERCISES NG US, PHIL. ARMY SIMULA NA

NUEVA ECIJA-NAGSIMULA na ang taunang Salaknib o military war exercises sa pagitan ng Philippine at U.S Army na itinataguyod ng US Army Pacific sa Fort Magsaysay sa nasabing lalawigan.

Ang bilateral exercise ay idinisenyo upang pahusayin ang kapasidad at interoperability ng US at Philippine Army sa buong spectrum ng mga operasyong militar habang pinapalakas din ang ugnayan sa pagitan ng dalawang matagal nang magkatuwang na bansa.

Pinangunahan nina U.S. Army Pacific Deputy Commanding General Maj. Gen. Matthew W. McFarlane at Philippine Army Exercise Director Brig . Gen. Alvin B. Flores ang opening ce­remony.

“The United States just published an Indo-Pacific strategy. Two key aspects of that strategy are to build connections in the region and to bolster security in pursuit of a free and open Indo-Pacific. This exercise is a demonstration not only to each other, but to all those around the world with inclinations of not abiding by a free and open Indo-Pacific,” ani Maj. Gen. McFarlane.

Halos 1,100 sundalo ng U.S. Army Pacific ang lalahok sa Salaknib ngayong taon sa isasagawang field training exercises, staff exercises, subject matter expert exchanges, amphibious landing training, medical training at ang unang akreditadong U.S. Jungle Operations Training Course sa Pilipinas.

Bilang pagsunod sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ng COVID-19, 100 porsiyento ng mga naka-deploy na sundalo ng Amerika ay bakunado na at susundin ang mga alituntunin na naglalayong protektahan ang mga puwersa ng US at mga kaalyado nito pati na rin ang lokal na populasyon.

Gagamitin sa ehersisyo ang Army Prepositioned Stock 3 na nagdala ng mga sasakyan at supply sa Su­bic Bay sa pamamagitan ng U.S. Navy Ship Red Cloud na nagpapakita ng kakayahan ng U.S. Army Pacific na i-deploy at mapanatili ang puwersa sa buong Indo-Pacific. VERLIN RUIZ