TUMAAS ang milk imports ng bansa noong 2018 ng 9.4 percent sa all-time high na halos $1 billion kung saan umangkat ang mga negosyante ng mas maraming dairy products dahil sa mas mababang presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Sa pinakabagong datos mula sa National Dairy Authority (NDA) ay lumitaw na ang total value ng imported dairy products noong nakaraang taon ay umabot sa $987.88 million, mas mataas ng $84.78 million sa $807.72 million na naitala noong 2017.
Gayundin, ang total volume ng milk imports noong nakaraang taon ay pumalo sa record-high na 2.939 MMT, mas mataas ng 18.23 percent sa 2.486 MMT noong 2017.
Ang datos ay nagpapakita na nakabawi ang milk imports mula sa 10.33-percent decline sa volume noong 2016-2017.
“In terms of [import value] it went up by 9 percent indicating a decrease in unit import cost of 14 percent and 10 percent in dollar terms and in pesos, respectively,” sabi pa ng NDA.
Ayon pa sa datos, ang average import cost ng milk products sa reference period ay nasa $0.34 per liter (P17.9 per liter), mula sa $0.36 per liter quotation (P18.31 per liter) noong 2016.
“In terms of sources and value share, New Zealand remained to be the leading source of imported dairy products, accounting for 38 percent to total dairy import bill,” sabi pa ng NDA.
“USA ranked as second supplier, followed by Malaysia and Australia with 21 percent,6 percent and 6 percent, respectively,” dagdag pa nito.
Ang milk exports ng New Zealand sa Filipinas noong nakaraang taon ay tumaas ng 3.85 percent sa $373.97 million mula sa $360.10 million noong 2017. Gayundin, ang volume ng shipment ay lumago ng 2.75 percent sa 726.73 MMT-LME mula sa 707.23 MMT-LME.
Sa kanilang Dairy Market Review report, sinabi ng United Nations’ Food and Agriculture Organization (FAO) na ang world dairy prices noong 2018 ay bumaba dahil mas maraming milk products ang naprodyus sa ibang bansa.
“Its Dairy Price Index in 2018 fell by 4.6 percent year-on-year, reflecting declines in prices of all dairy products represented in the Index,” ayon sa FAO. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.