MILK TEA AND FRAPPE SEMINAR MAKING SET

MATUTONG gumawa ng inyong sariling milk tea at frappe at magkaroon ng magandang tea party.

Magsasagawa ng one-day seminar ang Golden Treasure Skills and Development Program (GTSDP) para sa paggawa ng  milk tea at frappe making kasama ang business shop operation. Gaganapin ito sa Hunyo 27, Miyerkoles, mula 10 am hanggang 6 pm sa Golden Treasure Skills Training Center, 9 Anonas Rd. Proj. 3, Que­zon City.

Pag-uusapan sa seminar ang mga paksa kung paano gumawa ng iba’t ibang klase ng milk tea at frappe at iba’t ibang lasa nito.

Pag-uusapan din sa seminar ang mga detalye kung paano magbukas at magpatakbo ng milk tea at frappe shop.

Magkakaroon ang seminar participants ng actual na demo, food tasting at  hands-on experience at matututunan nila ang mga detalye na kaila­ngan nilang malaman kung gusto nilang magtayo ng milk tea and frappe business.

Ang mga detalye ng negosyo at mga aspeto ng seminar ay pag-uusapan, at ang kaalaman ng pagse-set up ng milk tea shop, at kung magkano ang capital  requirement maging ito man ay home-based o kung may tindahan.

Ang mga participant ay matututo rin ng overview ng milk tea shop tulad ng kung magkano ang break-even sales,  ang paggawa ng feasibility studies at target market,  safety and sanitation, pagiging pamilyar sa mga kagamitan ng milk tea, mga kagamitan, mga panghalo o rekado at ma­rami pang iba.

Susunod na ang actual demo para sa paggawa ng milk tea at frappe tulad ng kung paano maghanda ng milk tea drinks na may iba’t ibang klase tulad ng wintermelon,  taro, hokkaido na may iba’t ibang dagdag na ingredients tulad ng okinawa, cookies & cream, matcha green tea, tiramisu, banana caramel frappe, rocky road, hot fudge choco frappe at marami pang iba gayundin ang pagluluto ng tapioca pearls at tamang paglalaga ng tsaa.

Ang iba pang pag-uusapan ay ang pagkuha ng materyales at paggastos. Ang participants ay bibigyan ng certificate of training pagkatapos ng seminar. Bibigyan din ng tanghalian, meryenda, hand-outs at lahat ng raw materials na kailangan para sa actual demo at  bibigyan ng hands-on. Para sa mga katanungan at reservations, tumawag sa 433-9814; 587-47-46;  cel. Nos. 0927-641-4006 at 0908-133-7314 or log on to www.GoldenTrea­sureSkills.ph o i-like at sundan www.facebook.com/GTSDP.

Comments are closed.