MILKY WAY GALACTIC CORE NASILAYAN SA CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE – NASILAYAN sa lalawigan ng Camarines Norte ang paglitaw ng Milky Way Galactic Core o ang pinakamaliwanag na sentro ng kalawakan dakong alas 4:00 ng madaling araw nitong Linggo (Hunyo 16).

Ayon sa 28-anyos na astrophotographer na si John Bodollo San Agustin ng Camarines Sur, nakuhanan niya ng litrato ang ganda ng Milky Way Core habang siya ay nagbabakasyon sa Calaguas Island kung saan perpekto ang tanawin sa ganda ng kalangitan.

Sa Pilipinas, karaniwang nasisilayan ang Galactic Core ng Milky Way sa timog na direksyon partikular na sa madaling araw.

Kinakailangan na humanap ng lugar na may kaunting dilim tulad ng mga rural na lugar o baybayin na malayo sa mga ilaw ng lungsod upang malinaw na makita ang ganda nito.

RUBEN FUENTES