BACOLOD CITY – Nagbigay ng malaking kaluwagan sa mga magsasaka ang mas mataas na mill gate price ng asukal sa gitna ng mga hamon na hatid ng El Niño sa sugarcane plantations.
Makaraang pumalo sa P2,600 per 50-kg. bag noong Pebrero, ang presyo ay tumaas pa, umabot sa P2,800 level noong kalagitnaan ng Marso.
Ayon sa United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED), ang pinakamalaking independent sugar group sa bansa, nagpapasalamat sila at tumaas ang presyo sa lebel na komportable ang mga magsasaka.
“Today’s prices are a big relief to planters who are also facing the problem brought about by El Niño,” wika ni UNIFED president Manuel Lamata, na naka-base sa lungsod na ito.
Nagpasalamat siya kina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Sugar Regulatory Administration (DA) chief Pablo Luis Azcona para sa kanilang pagsisikap na nagresulta sa mas mataas na presyo ng mill gate.
“We owe a lot to Secretary Laurel and Administrator Azcona, and also our planters’ representative to the SRA Board, Dave Sanson, who gave solutions to our problem on low mill gate prices at the start of the milling season,” aniya.
Sa Negros Occidental, ang sugar capital ng bansa, ang bidding prices sa pitong sugar mills ay nasa P2,801 hanggang P2,856 per 50-kg. bag noong linggo na nagtapos ng Marso 10.
Sinabi ni Lamata na noong unang umapela ang UNIFED, ang mill gate price ay nasa P2,400 per 50-kg. bag.
“This was not even a break-even point for the farmers, particularly those with smaller plantations, as the costs of farm inputs were also high at that time. We immediately sought the DA and SRA intervention, and thankfully, they responded with the issuance of Sugar Order (SO) No. 2,” dagdag pa niya.
Pinapayagan ng SO2 ang mga trader na bumili ng 300,000 metric tons ng local raw sugar kapalit ng future allocations, na inaasahang magpapatatag sa mill gate prices habang tinitiyak ang patas at makatwirang retail prices.”
“Thereafter, prices started going up to what it is now, PHP2,850 per 50-kg. bag on average. I hope that the recent sugar order will be institutionalized for succeeding crop years to ensure steady and competitive prices for our mill gate produce,” ani Lamata.
(PNA)