MILLENIALS BOPLAKS NA SA ENGLISH DAHIL SA K-12

Dr. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA, Ph.D.

MAAARING humina ang kapasidad ng mga Pilipinong millennials sa wikang Ing­les dahil sa paggamit ng mga lokal na wika sa bawat rehiyon na “medium of instruction.” Ito ang resulta sa isang pag aaral sa English proficiency ng mga mag aaral mula sa grade 1,2 3 na sabay na gumagamit ng English at Mother Tongue sa kanilang subjects sa Don Amadeo Perez Sr.Memorial Center ng school year 2017-2018.

Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mga mag aaral na naging bahagi ng pagsasaliksik ay nakapagsasalita  ng English, Tagalog at Ilocano ngunit magkakaiba ang kanilang academic performance sabawat lengguwahe: Outstanding hanggang  Fairly Satis­factory gamit ang kanilang Mother Tongue, ngunit minimum to low naman sa English proficiency.

Nag-iiba ang antas ng agreement o disagreement ng guro sa positibo o negatibong implikas­yon ng kasana­yan sa      Ingles ng mga mag-aaral. Base dito, nagkaroon sila ng maraming rekomendasyon upang mapagbuti ang ins­tructional efficiency at istratehiya na makatutulong upang mabawasan problema nng mga bata upag magkaroon ng English proficiency, at upang maitaas ang academic performance sa mga English subjects. Ilan sa rekomendasyon ay ang pagka-karoon ng mga inis­yatibo at  “intervention” ng mga guro, at mga nanunungkulan sa paaralan o upang maging mahusay ng mga mag aaral sa paggamit ng English habang kasabay na ginagamit ang mga lokal na wika o Mother Tongue sa kanilang pag aaral.

May may mga pag aaral din na sumusuporta sa paggamit ng Mother Tongue as medium of instruction. Sa katunayan, dumadami sa mga karatig bansa ng Pilipinas sa Southeast Asia ang sumasang-ayon sa language-in-education policy (UNESCO, 2007). Sa kasalukuyan, Pilipinas na lamang ang bansa sa Southeast Asia na iti­nuturo ang wikang English sa primary grades.

Noong 2009, binago ng DepEd ang Bilingual Education Policy nito sa paggamit ng  English at Filipino bilang medium of instruction at pinalitan ng paggamit  ng Mother Tongue sa pagpapatupad ng MTB-MLE sa pamamagitan ng Department Order No. 28, s. 2013. Iniatas ng DepEd na gamitin ang Mother Tongue as medium of instruction sa lahat ng subjects mula Kindergarten hanggang Grade 3, samantalang  ang  Filipino at English naman ay ituturo bilang hiwalay na subjects, batay sa DO No. 74, s. 2009.

millennials

Muli itong binago noong 2012 sa DO No. 16 sa K-12 program sa pamamagutan ng  pagtukoy ng  labindalawang   pangunahing dialect or lingua franca bilang wika sa pagtuturo ng      ilang learning area, kabilang ang ilang learning materials na nakalimbag sa kanilang Mother Tongue.

Nang suunod na taon, 2013, pinagtibay ng Kongreso ang dahan dahang pagpatupad ng polisiya na nagsilbing halimbawa sa mga karatig bansa. Bagamat mas mabilis matuto ang mga bata kapag Mother Tongue ang gamit sa pag-tuturo, nakita ng mga researchers na mahalaga ring mas maagang matuto ang mga mag aaral ng ikalawa at ikatlong wika upang madaling maki­pagkomunikasyon sa iba pang nasyon.

Sa isang banda, tinuligsa ng mga scholars, academicians, educational managers, mga guro, mga magulang, at mag aaral ang short exit scheme ng MTB-MLE sa paggamit ng English at Filipino bilang Medium of Instruction sa High School, at sa unti-unting paggamit nito sa intermediate mula grade 4 hanggang grade 6. Sa MTB-MLE, ang wikang pangrehiyon o mga nakagisnang wika sa probinsya ang gagamitin sa pagtuturo mula Grade 1 hanggang Grade 3 maging sa mga learning materials at unti until lamang gagamitin ang English at Filipino sa Grades 4 to 6. Mahalaga umanong magkaroon ng mas maaga at mas mahabang panahon sa pag-aaral ng English upang mas maging epektibo ang pagkasanay sa wikang ito. Bukod sa bilingual na paggamit ng wikang English at Filipino sa buong bansa, matagal rin itong naging Medium of Instruction sa mga paaralan.

Kung magpapatuloy umano ang pagpapatupad ng Department of Education sa Mother Tongue System sa ilalim ng K-12 program, hihina umano ang kakayahan ng mga millennials sa wikang English. Pumapangatlo ang Pilipinas sa husay sa pagsasalita ng English sa buong mundo, kung saan ang United Kingdom at United States of America ang nangunguna. Kung magpapatuloy ang pag-gamit ng Mother Tongue System, baka magising na lamang tayo isang araw na naagaw na sa atin ang korona.

74 thoughts on “MILLENIALS BOPLAKS NA SA ENGLISH DAHIL SA K-12”

  1. 940322 875835Hi! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any tips? 968998

  2. 771175 615380For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this quite flowing generally requires eleven liters concerning gasoline to. dc free of charge mommy weblog giveaways family trip home gardening house power wash baby laundry detergent 746171

Comments are closed.