MILLER SA IKA-2 OLYMPIC STINT: “CERTAINLY INSPIRING”

YANQING, China — Naranasan na ni Asa Miller ang Chinese snow nitong Martes ng umaga, umaasang masasanay at maipapagpag ang jet lag sa lalong madaling panahon, 12 araw bago ang kanyang pagsabak sa Beijing 2022 Winter Olympics.

Sinubukan ni Miller ang isang bahagi ng dalisdis ng Xiaohaituo Mountain kasama ang kanyang amang si Kelly.

“I’m certainly inspired by all the people that I represent so I hope I can represent them with all the best I can,” pahayag ng 21-year-old two-time Winter Olympian na si Miller.

“I’m very, very proud to be representing the Philippines once again. I hope to embody all the values that our country brings and share that with the people I meet here,” sabi pa ng 5-foot-8 na si Miller, na nasa kanyang ikalawang sunod na Winter Games.

Ang kampanya ni Miller sa giant slalom ay nakatakda sa February 13 at sa slalom ay pagkalipas ng tatlong araw.

Tumapos si Miller sa 70th place sa 110 skiers sa giant slalom sa kanyang Winter Olympic debut sa Pyeongchang noong 2018 at determinado siyang mahigitan ito.

“We will have training sessions everyday starting today [Tuesday] to learn more about the snow and the hills,” aniya. “My skiing has improved and I think I will do better than before.”

Si Miller na nag-iisang atleta ng bansa sa Winter Games ay hindi na bago sa internatonal competitions. Siya ay16-year-old nang una siyang lumahok overseas sa isang International Skiing.