MILO, DEPED, JUMP ROPE ASSOCIATION SANIB-PUWERSA

on the spot- pilipino mirror

LAYUNING  maipahatid ang magandang programa ng sports development sa mga kabataan na naging susi upang maitulak ang pagtutulungan ng MILO Philippines, Department of Education (DepEd) at Philippine Jump Rope Association (PJRA), inilunsad  ang tatlong bahagi ng programa ngayong taon, na kinabibilangan ng kauna-unahang World Milk Day 10 million skips challenge simula ngayong Hunyo.

“Nutrition, health and wellness has always been a priority for MILO and Nestle. Very committed po kami in enriching the lives of Pinoys through these 3 focused areas. MILO helps company fulfill these priorities by enabling the Filipinos in the Champion Journeys  through sports. Through our commitment into grassroots development, patuloy ang paghahanap namin ng programa to get our children active at home,” pahayag ni MILO Sports Manager Nestle Phils. Inc. Lester P. Castillo sa lingguhang session ng TOPS Usapang Sports on Air webcast, kasama si PJRA President at coach Noel Agra.

Bukod sa pagnanais na makamit ng sambayanang Filipino ang pambihirang event ay puntirya rin ng tripartite agreement ang programang ‘Train the Trainers’ na naglalayong maturuan ang mga MAPE teacher ng tamang pamamaraan at techniques para isagawa ang jump rope na kanilang magagamit sa pagtuturo sa dararting na School Year 2021-2022 at mapasama sa Physical Education curriculum program.

“Tuturuan ng coaches ng PJRA ang mga MAPE teacher how to teach jump rope properly to prepare for the upcoming school year para maintegrate siya sa PE program,” wika ni Castillo.

“Actually, hindi lang sila matuturuan eh, they will be certified. Imagine, you have a certain certification from a group like PJRA at kung papaano ang tamang pagtuturo ng jump rope, and this will become a livelihood for them when the PJRA starts rolling out their active online classes.”

Bukod dito, ibinunyag ni Castillo na ang huling bahagi ng kanilang programa ngayong taon ay ang pagsasagawa ng virtual competition sa Setyembre o kaagahan ng Oktubre para sa mga Inter-school  na kabibilangan ng jump rope.

“The reason being ‘yan ang timing the current school year dahil matatapos siya ng July 10 and merong school break until August 23, so a month after we will launch that virtual games. Inter-school Junior Competition across multiple types of sports. Na hindi muna namin i-disclose kung ano-ano iyon pero siguradong kasama ang jump rope diyan,” ani Castillo, na idinagdag na mayroon na silang napipisil na 8 iba’t ibang sports na lalaruin sa online tournament.

“At the moment we’re able to identify 8 different sports and we are already in discussions with the partner organizers combination of the national sports association and private organizations in helping grow up the eligibility, technical and other rules, in making sure na mapatakbo natin nang maayos itong virtual tournament na ito,” dagdag ni Castillo na planong dalhin sa Palarong Pambansa at MILO Little Olympics ang jump rope oras na matapos na ang COVID-19 pandemic.

vvv

Bilib na bilib si L.A Tenorio sa kanilang rookie na si Brian Enriquez. Sa unang pagsama niya sa practice sa Brgy. Ginebra  ay nakitaan niya ang 13th round pick ng team na malaki ang maitutulong nito sa kanilang koponan.

Malakas ang loob at matapang umano si Enriquez, animo ay isang beteranono na ito.

Lalo pang lumakas ang lineup ng Gin Kings ngayong 46th season ng PBA na magbubukas sa huling linggo ng June o sa unang linggo ng  July. Pinagpipilian ng PBA kung ang Ynares Pasig o Ynares Antipolo ang gagawing venue ng bawat laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *