MILO NATIONAL KIDS’ ATHLETICS GAMES

Milo

ILULUNSAD ng PATAFA ang Milo National Kids’ Athletics Games sa Biyernes, Nobyembre 20, sa pamamagitan ng Zoom.

Layon ng nasabing athletics games na hikayatin ang mga kabataan na mahilig sa palakasan at magkaroon ng pagkakataon na makapaglaro para sa bansa sa international competitions, bukod sa magkaroon ng ‘sound mind and sound body’.

Ang proyekto ay pangungunahan ng PATAFA,  sa pakipagtulungan ng Milo na kilala bilang prime mover sa sports at tumutulong  sa lahat na National Sports Associations sa kanilang sports activities at sa activities ng Philippine Sports Commission (PSC).

Matatandaan na  malaking tulong ang ibinigay ng nasabing energy drinks sa 2019 Southeast Asian Games kung saan nakuha ng Filipinas ang overall championship.

Sinabi ni PATAFA chief Philip Juico na naturang palaro via Zoom ay isang magandang hakbang para mahikayat ang mga kabataan na mahilig sa sports at makaiwas sa masamang bisyo.

“This is another milestone project of PATAFA in partnership with Milo,” sabi ni Juico na umaasang maraming kabataan ang sasali sa games.

Isa sa sports activities ng nasabing energy drinks ay ang longest running event Milo marathon na nilalahukan ng mga long distance runner sa bansa at inorganisa noong 1974. CLYDE MARIANO

Comments are closed.