Pinaliwanag ni Monica Jorge ang basketball at volleyball sports program sa ginanap na PSA forum sa Manila. Kasama sina(Mula kaliwa) Jessy Guerrero, Carlo Sampan, Richard Lim,Ralp Rosario. Kuha ni RUDY ESPERAS
GINAGAWA ng MILO Sports ang lahat para masiguro na ang mga programa nito na kinasasangkutan ng halos 20 sports ay patuloy na makakaabot at makatutulong sa maraming atleta, partikular ang mga bata.
“Our approach is that we are moving with the times,” wika ni MILO Sports head Carlo Sampan sa Philippine Sportswriters Association Forum kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex. Tinukoy ni Samban ang malakas at decades-long partnership nito sa sports tulad ng swimming, karatedo, basketball, volleyball, golf, gymnastics, running, at kamakailan ay jiu-jitsu, jumprope, at iceskating.
“We know that raising champions Is not an overnight endeavor,” aniya.
Si Sampan ay sinamahan sa forum nina Monica Jorge ng BEST Center para sa basketball at volleyball, Ral Rosario para sa swimming, Ricky Lim para sa karatedo at Jessie Guerrero para sa golf.
Ayon sa kanila, ang kani-kanilang summer programs ay nagpapatuloy, at dahil sa bagong iskedyul ng iba’t ibang eskuwelahan ay maaari itong tumakbo hanggang August o September.
“Because there are schools that started their summer breaks either earlier or later, we plan to extend our summer program to three months,” sabi ni Lim.
Pinasalamatan ng mga sports official ang MILO sa walang sawang pagsuporta nito kahit noong pandemya at idinagdag na patuloy itong naghahanap ng mga par- aan para mailapit ang mga bata sa sports, at magkaroon ng active lifestyle.
“We’ve had gymnastics who are law- yers now or basketball players who are now doctors. It’s really about the values
and MILO is honored to be part of that,” dagdag ni Sampan.
Aniya, dahil sa pandemya, ang MILO Sports ay nakahanap ng mga paraan para magpatuloy ang mga programa nito.
“The use of fones and gadgets — even in education. And we have different digital programs for those who cannot go to on-ground classes. A lot of opportunities are presenting themselves. Even homeowners associations and barangays and condo residents are reaching out to us on how they could come up with sports programs. We are not limiting ourselves,” sabi ni Sampan.
-CLYDE MARIANO