MILYON-MILYONG HUMINTO SA PAG-AARAL, PABABALIKIN NG DEPED

NAPAG-ALAMAN ng Department of Education (DepEd) na mayroon 18 milyon na mga mag-aaral ang hindi na tinapos ang kanilang pag-aaral.

Ito ang lumabas ng datos na DepEd na kabilang sa dahilan ay ang pag-aasawa na may  37%; 24% ang walang gana mag-aral;  18% ang bitin ang pera para masuportahan ang pag-aaral; 7.8%  dahil sa sakit at kapansanan; 8% ay nagtrabaho na; 9% ang walang available na paaralan at 3.3% ang may iba pang kadahilanan.

Dahil dito, gumawa ng paraan si DepEd Secretary Leonor Briones upang masolusyunan ito ay mas pinaganda pa nila ang alter-native learning system (ALS) at nagdagdag ng education skills and training o ALS-EST.

Nabatid na bukod sa basic education, mahahasa na rin ang kakayanan ng estudyante dahil sa aktwal na paggawa sa trabaho o education and skill training gaya ng mga kursong Welding, Cake Design, Call Center Training, Computer Hardware Set Up and Configuration, Automotive at Organic Agriculture

Kaya’t sa mga interesado, dapat  ay  nasa 15-anyos pataas na gustong makapagtapos sa pag-aaral.

At para makapag-e-enroll ay magdala ng birth certificate, barangay clearance at report card ng huling record sa pag-aaral.

Sinabi pa ng DepEd, ginagawa na ito ngayon sa 98 pampublikong paaralan sa bansa.