MILYON-MILYONG TAHANAN WALANG CR

Palikuran

MILYON-MILYONG  mga tahanan sa bansa ang walang maayos na palikuran, na ayon sa Department of Health (DOH) ay isa sa dahilan ng pagkalat ng iba’t ibang karamdaman, gaya ng polio.

Ayon kay DOH Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo, umaabot sa 3.5 milyong tahanan ang nanga­ngailangan ng sanitary toilets sa bansa.

Sa naturang bilang, malaking porsiyento o halos karamihan ay matatag­puan sa National Capital Region (NCR).

“NCR talaga ang pinakamadami ‘no. Out of the 3.5 million na kaila­ngan na toilets, ang big majority nu’n sa NCR. Toilet ng mga pamilya at bahay ito. Talagang maraming families ang walang sanitary toilets,” ani Domingo.

Paliwanag ni Domingo, malaking problema talaga ang open defecation dahil nagiging sanhi ito ng karamdaman.

Isa aniya sa mga sakit na maaaring maikalat sa pamamagitan ng dumi ay ang polio.

“Yung open defecation kasi is really a problem. This (polio) is one of the diseases na nag-e-emerge kapag may open defecation saka yung ating waste disposal ay maaring ma-contaminate ang ating water supply,” aniya pa.

Sa ngayon aniya ay inaalam na ng DOH kung paano masosolusyunan ang naturang problema.

“So, the Department of Health is now checking kung paano natin i-a-allo­cate together with the LGUs, ‘yung mga regional offices natin to make sure nga na ‘yung zero open defecation na goals natin ay ma meet natin,” aniya pa.

“We want to identify funds and we are working with other government agencies–DPWH na mas mabilis mag-construct ng mga septic tanks. We want to work with them para mapabilis yung ating pagtayo ng mga toilet,” ani Domingo.

Matatandaang una nang kinumpirma ng DOH na muling nagbabalik ang sakit na polio sa bansa, matapos ang may 19-taong pagiging polio-free.

Dalawang paslit ang kumpirmadong nabiktima ng sakit, kabilang ang isang 3-year old girl sa Lanao del Sur na hindi nabakunahan at isang 5-taong gulang na batang lalaki na mula naman sa Laguna. ANA ROSARIO HERNANDEZ

5 thoughts on “MILYON-MILYONG TAHANAN WALANG CR”

  1. 786193 768824 Spot on with this write-up, I truly think this website needs significantly more consideration. Ill probably be once more to read considerably much more, thanks for that info. 488392

  2. 971399 399913This was an incredible post. Actually loved studying your site post. Your data was extremely informative and valuable. I think you will proceed posting and updating often. Searching forward to your subsequent one. 731994

Comments are closed.