MILYONG HALAGA NG PUSLIT NA YOSI NASABAT

BATANGAS CITY -TINATAYANG milyong piso ang halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nasabat sa ikinasang joint operation ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pakikipagtulungan ng Japan Tobacco International Philippines (JTIP) sa nasabing lalawigan.

Nasa 231 na master cases at 391 na reams ng mga hindi dokumentadong sigarilyo ang nadiskubre sa sinalakay na bodega sa Barangay Cuta, sa Batangas City.

Sa ulat, ikinasa ang anti smuggling operation sa pakikipag tulungan ng JTIP at PCG K9 Field Operating Unit- Southern Tagalog sa Aduna.

Matapos matanggap ng BOC ang report, kaagad namang nagbigay ng seguridad ang PCG sa mga tauhan ng ahensiya at nagsagawa ito ng Paneling inspection sa naturang lugar.

Ang operasyon na ay isinagawa sa bisa ng authorization at mission order na inilabas ng tanggapan ni Customsustoms Commissioner Commissioner Bienvenido Rubio laban sa may-ari ng warehouse.

Agad na ipinag–utos ni Rubio na magsagawa rin ng inventory ang sa mga nadiskubreng ibat-ibang uri ng sigarilyo.

Ayon sa BOC, mayroon lamang 15 days ang may-ari ng warehouse upang ipakita nito ang mga kinakailangan na dokumentado upang mapatunayan na bayad ang mga kinakailangang taxes ng mga nadiskubreng sigarilyo at huwag maharap sa kasong criminal.
VERLIN RUIZ