MILYONG HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES HULI NG COAST GUARD

SMUGGLED CIGARETTES-3

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang karton-karton ng iba’t ibang brand ng smuggled ci­garettes na hinihinalang milyones ang halaga sakay ng tatlong barko sa  karagatang sakop ng Zamboanga.

Lulan ang mga kontrabando ng mga barkong MV Mama Mia, MV Mary Joy 1 at Asian Star II nang masabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard habang sila ay papunta ng Zambo­anga City mula Jolo, Sulu.

Matapos ang ginawang proper documentation ng Phil. Coast Guard ay ipinasa nila sa  Bureau of Customs (BOC) ang nasa 100 karton ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na may iba’t-ibang brand.

Ayon sa Customs Collector na si Segundo Sigmundfreud Barte Jr., inilagay sa iba’t ibang lalagyan ang mga sigarilyo.

May inilagay sa loob ng karton na may tubig at ice upang magmukhang isda ang laman habang may isinilid din sa loob ng male-ta upang magmukhang mga damit at gamit lang ang dala.

Inihayag pa ng  BOC, karamihan sa mga nahuhuling sigarilyo ay galing sa Jolo kung saan binibili ito sa mga bansa gaya ng Ma-laysia at Indonesia.

Mapanganib umano sa kalusugan ang produktong ito lalo na at hindi alam kung saan ito ginawa.

“Hindi natin sure kung saan galing, kung anong nilagay, so hindi siya safe,” pahayag ni Barte.

Kasalukuyang binibilang pa ang mga sigarilyo upang malaman kung magkano ang eksaktong halaga nito.        VERLIN RUIZ

Comments are closed.