MILYONG TRABAHO LILIKHAIN NG BULACAN AIRPORT

JOB VACANCIES

MAHIGIT sa isang milyong trabaho ang lilikhain ng airport project ng San Miguel Corporation sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa presidente at COO nito na si Ramon Ang.

Pormal na iginawad ng Department of Transportation (DOTr) kahapon ang New Manila International Airport project sa San Miguel makaraang walang tumutol sa unsolicited proposal.

“This project will generate over a million direct and indirect jobs, improving the quality of life of many families and giving rise to small industries in Bulacan and neighboring provinces, that will support its workers,” wika ni Ang.

Ang $15-billion project  ay inaasahang makapagpapaluwag sa Ninoy Aquino International Airport. Inaasahang sisimulan ang konstruksiyon ng pasilidad sa pagtatapos ng taon.

Ayon sa DOTr, target na matapos ang proyekto sa loob ng apat hanggang anim na taon.

Kinuha ng San Miguel ang designers at builders ng Changi ng Singapore at Charles de Gaulle ng France para sa Bulacan airport.

Comments are closed.