MINAHAN SA NUEVA VIZCAYA TINUTULAN

minahan

UMAABOT sa mahigit 1,000 katao ang nagsagawa ng rally mula sa iba’t ibang grupo tulad ng mga tribong Bongkalot, Ifugao, kabilang ang simbahan para tutulan ang extension ng kontrata upang hindi na palawigin pa ang gagawing pagmimina ng isang malaking kompanya sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sinabi ng punong lalawigan ng Nueva Vizcaya na si Governor Carlos Padilla na suportado niya ang ginawang rally ng mga mamamayan ng nasabing lalawigan para tutulan ang pagpapalawig sa kontrata sa minahan.

Nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang resolusyon para kontrahin at tutulan ang extention ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) ng Oceana Gold Philippines Incorporated (OGPI), na ayon sa mga mamayan ng nasabing lalawigan ay maaring makaapekto ng malaki sa kalikasan kung sakaling maaprubahan.

Napag-alaman na naidulog na umano nila kay DENR Secretary Roy Cimatu ang isyu upang ipara­ting kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hinaing na huwag nang pir­mahan ang kontrata ng nasabing minahan.

Ang rally for eco­lo­gy ay tinawag na ‘‘Dapayan ti Novo Vizcayano para iti Biag, Danum, Daga ken Kinabaknang.’’

IRENE GONZALES

Comments are closed.